SINGKO ✝

43 23 3
                                    

SINGKO

“A Mysterious Letter”

“A Mysterious Letter”

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ♡ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ

“PAPAANO kung malaman nila ang plano natin?” a woman in her mid-20‘s was standing still in the dark, looking seriously on someone she was talking to. The night was quite, and the wind blows were cold.

She took a step closer to the woman.

“Malalaman nila kung may magsasalita,” malutong nitong naging sagot sa kaniyang kausap. Tila, may ibig sabihin ang kaniyang mga sinabi. “Bakit, may plano ka ba?” taas kilay nitong sabi sa kaniyang kausap. Madiing ipinukol ang kaniyang mga tingin dito. If stares could kill, probably the woman she was staring right now were completely dead.

The woman shook her head in response. Napunta ang mga tingin niya sa baba. Hindi magawang tingnan ng diretso at mata sa mata ang kaniyang kausap ngayon.

“Manahimik ka lang at walang mangyayari,” iyon ang huling katagang kaniyang narinig nang lagpasan siya ng babae bago ito umalis at iniwan siyang nag-iisa. Napatingin na lamang siya rito habang ito‘y papalayo sa kaniya at dahan-dahang nawala sa kaniyang paningin.

ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ

10:30 IN THE MORNING

MASAYANG nag-uusap ang lahat ngunit bigla silang natahimik lahat ng lumabas si Anna mula sa kwarto. Nasa baba lang mga tingin nito, hindi nagawang batiin ang kaniyang mga kaibigan, ni hindi rin siya ngumiti sa mga ito.

Tila ramdam ni Anna ang mga matang nakatingin sa kaniya. Hindi siya sanay ng pinagtitinginan siya ng mga tao. Pakiwari niya‘y sinusuri ang buo niyang pagkatao. Hindi siya sanay. Hindi talaga.

Nagmamadali itong tumungo sa may kusina.

Sa kabilang banda, seryoso lamang ang lahat. Marahil ay hindi pa rin nila maiwaglit sa mga utak nila ang nangyari kagabi. Ang nakita nilang larawan mula kay Anna. 

Tumayo si Sky at pinuntahan ang kaibigang si Anna. Nais niya lamang itong makausap upang klaruhin ang lahat. Ayaw niya ng ganito. Hindi niya gustong nararamdaman ni Anna na hindi siya kasama sa grupo.

Nang makaabot siya sa kusina, nadatnan niya roon si Anna. Umiinom ng tubig.

Tumikhim siya kaya naagaw niya ang atensiyon ni Anna. Napatingin ito sa kaniya, pilit na ngumiti kay Sky.

“Ayos ka lang ba Anna?” panimulang sabi nito. Lumapit siya sa kinaroroonan ni Anna. Tumango naman ito sa kaniya. “About what happened last night,” dagdag niyang sabi rito kaya kaagad na nag-iwas ng tingin si Anna sa kaniya.

Love, Antonette (Completed√)[Soon To Be Publish]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon