TRESE ✝

28 19 2
                                    

TRESE

“Forgive Us Our Sins!”

“Forgive Us Our Sins!”

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ♡ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ

11:35 P.M: FRIDAY THE 13TH OF YEAR 2004

HALOS hindi makapaniwala sina Sky at Sammy sa kanilang nasaksihan. Marahil ay iyon ang nais sabihin sa kanila ni Manang Rosario bago ito mawalan ng buhay. Si Maria pala ang kasabwat ni Antonette. Hindi na nila alam kung saan sila paroroon. Pakiwari ba nila ay wala na silang ibang mapupuntahan pa. Wala ng ibang tao sa lugar, pinatay na ang mga ito.

“Saan na tayo nito ngayon Sky? Wala na tayong ibang mapupuntahan pa,” bulalas ni Sammy dito. Mababakas sa kaniyang mukha ang takot at maging ang kaba.

“Bumalik tayo sa bahay,” direktang naging sagot sa kaniya ni Sky. “Sa tingin ko’y hindi na nila iispin pa na bumalik tayo roon.”

“Pero papaano kung matunton nila tayo roon sa bahay? Anong gagawin natin? Anong laban natin sa kanilang dalawa?” sunod-sunod na nagbitaw ng mga negatibong pag-iisip si Sammy sa kaibigan.

“Mas mapapahamak tayo kung mananatili lamang tayo sa lugar na ito. Hindi natin kabisado ang lugar at hindi malayong mahanap tayo ng dalawang ‘yon.”

May punto si Sky, kung hindi sila makakahanap ng lugar na maaari nilang mapagtaguan, ay mas lalong managnganib ang mga buhay nila rito sa labas.

Dahil wala na ring ibang pamimilian si Sammy, sumang-ayon na lamang siya sa naisip na paraan ni Sky. Tinungo nilang muli ang bahay kung saan nagsimula ang lahat. Kung saan nangyari ang lahat-lahat. Malapit ng sumilay ang liwanag kaya mas natunton nila kaagad ang bahay. Pagkapasok na pagkapasok nila, siniguro nilang nakasarado lahat ng pwedeng madaanan.

“Hanggang kailan tayo magtatago at mananatili sa lugar na ito Sky? Ayoko pang mamatay!” Halos hindi na mapakali si Sammy at hindi na malaman kung anong gagawin.

“The only thing that we should do right now is to stay here. Wala na tayong pamimilian pa Sammy. Sira na ang sasakyan natin,” naging sagot naman sa kaniya ng kaibigan. Halata na ring problemado si Sky sa sitwasiyon nila ngayon.

Hindi na nagsalita pa si Sammy at umupo na lamang ito. Bakas na ang pagod sa mga sarili nila, hindi na rin mahitsura ang mga suot nilang damit. May dugo at mga putik na itong nakadikit.

“Papaano nila ito nagawa sa atin?” in the middle of their silence, biglang nagsalita si Sammy. Alam ni Sky kung sino ang tinutukoy nito.

“Iyan din ang gusto kong malaman at masagot Sammy. How come na nagawa nila ito sa atin? Pinagkatiwalaan natin sila. Mga kaibigan natin sila and yet, ganito lang ang gagawin nila sa ating lahat.”

Litong-lito na silang dalawa ngayon sa mga nangyayari. Alam nila ang ginawa nila, inaamin nila iyon pero nararapat pa bang humantong ang lahat sa ganito? Nararapat pa bang may mawala sa kanilang lahat?

Love, Antonette (Completed√)[Soon To Be Publish]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon