DOSE (PART I) ✝

21 19 2
                                    

DOSE (PART I) ✝

“Unraveling Past Secrets”

“Unraveling Past Secrets”

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ♡ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ

THE NEXT DAY (6:00 P.M)

“KUMUSTA kayo?” iyon ang kaagad na naitanong ni Sky sa kaniyang mga kaibigan. Ngayon lang ulit sila nagkita at nagkasama mula nang mangyari ang insidente kagabi. Ang insidenteng naging bangungot para sa kanilang lahat.

“Okay lang kami. Si Levi at Mazy nasaan?” taka naming naging katanungan ni Sammy sa kaniyang mga kaibigan nang mapansing wala ang dalawa. Nang tingnan niya ang ilan sa mga kaibigan niya, kaagad itong nag-iwas ng tingin at tila hindi mapakali sa kanilang kinatatayuan. “Nasaan na sila?” pag-uulit nito.

“They’re gone,” direktang naging tugon sa kanila ni Justin kaya halos matumba si Sammy nang kaniya iyong marinig. “Wala na silang dalawa Sammy. Patay na si Mazy at maging si Levi rin.”

“No, it can’t be. Hindi ‘yan totoo. Buhay pa sila,” pilit na kinukumbinsi ni Sammy ang kaniyang sarili na hindi totoo ang kaniyang mga narinig mula sa mga kaibigan niya at pawang kasinungalingan lang ang mga ito ngunit nang makitang napalingo-lingo ang mga ito, bumuhos ang iyak ni Sammy sa iisiping nawalan na naman sila ng kaibigan. Ang masaklap at mas masakit pa ay dalawa silang nawala. Parang isang panaginip lang ang lahat na kailanman ay hindi nila inaasahang mangyayari. Kaagad siyang nilapitan ng mga kaibigan niya upang pakalmahin ito.

Masakit para sa kanilang lahat na makita at malamang patay na ang mga kaibigan nila. Hindi ganito ang kanilang inaasahang magaganap sa bakasiyon nilang ito. Kabaliktaran nito. Ang sana’y masaya nilang pagsasama at bakasiyon ay nauwi lang sa ganitong klase ng pangyayari. Ang pangyayaring lubos nilang hindi napaghandaan.

“Paano na tayo ngayon? Ayoko pang mamatay,” anang Sammy sa mga ito. Kakikitaan mo ng labis na takot ang kaniyang mga mata, na tila ba kinain na ang buong sistema niya nito. Napuno na siya ng takot sa paulit-ulit na mga hindi magandang nangyari sa kanilang lahat.

“Sssh, walang mangyayaring masama sa iyo. Nandito kami para protektahan ka, para protekahan ang isa’t-isa,” gagad naman sa kaniya ni Mikee. “Basta huwag na huwag ka lang lalayo sa amin ha? Magiging ligtas tayo, magtiwala ka lang. Okay?”

Napatango-tango na lamang siya sa sinabi ng kaibigan.

ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ♡ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ

MAINGAT nilang hinahakbang ang kanilang mga paa sa lupa upang hindi makalikha ng kahit na anumang ingay. Nananatili pa rin silang nasa gitna ng kagubatan at wala ni isa sa kanila ang may alam kung anong eksaktong lugar ito. Pakiwari nila ay ang layo-layo na nila sa bahay kung saan sila nanunuluyan.

Habang mariin silang nakamasid sa kanilang paligid, isang kaluskos ang kanilang narinig kaya kaagad silang napatigil sa paglalakad at pansamantalang natahimik at nakalibot ang mga tingin sa kabuuan ng lugar.

Love, Antonette (Completed√)[Soon To Be Publish]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon