Chapter 1

137 6 0
                                    

CHAPTER 1

A woman around 20 years old entered the mansion full of expensive things. Followed by her four bodyguard, she walk like as if she owns the world. No emotion showed, her left hand are inserted to the right pocket of her baggy ripped jeans, and a graphic tee with her usual white sneakers.

She doesn't really look so girly, more on badass. Piercings on her both side of the ears and at her tongue.



Huminto ang apat na nakasunod lang sa kaniya ng huminto din siya sa paglalakad. Lumapit sa kaniya ang kanang kamay niya ng sumenyas siya.



"Boss?"

Hinarap siya ni Ezekia, sa kauna unahang pagkakataon ngumiti ang boss niya. Hindi lang ang kanang kamay niya ang nagulat, maging ang tatlo pa nitong kasamahan. Ito ang unang beses na ngumiti ang boss nila.


"Take this note, read it later at 12:00 a.m. Thank you for being a trustworthy and loyal companion." hinarap ni Ezekia ang tatlo pa niyang kasa kasama saan man siya magpunta. "After this night, you guys must leave this place and have a life far from danger. That's an order."


Niiyak na tumango ang tatlo habang nakayuko, hindi nila kayang tumitig sa boss nila na tinuring na din nilang kapamilya. Ngumiti si Ezekia, ibinaling niya ulit ang tingin niya sa kanang kamay niya.

"Leave, leave this house without looking back." hindi gumalaw ang tatlo. Ayaw nilang umalis, samantalang ang kanang kamay naman ni Ezekia ay parang natulala na sa kinatatayuan nito. Alam na niya, alam na niya na may mangyayaring masama, kaya gusto niyang paalisin na ang mga ito. Gusto niyang iligtas ng mga ito ang buhay nila. Dahil hindi kakayanin ng konsensya niya na makitang mamatay ang apat na taong malapit sa kaniya.


"LEAVE"


Puno ng otoridad ang boses ni Ezekia, natatakot man, mas pinili ng apat na huwag magpatinag habang nag uunahan sa pagmamalabis ang kanilang mga luha.

Binunot ni Ezekia ang baril na isinuksok niya sa tagiliran niya. Itinutok niya ito sa apat na napalunok nalang.

"Leave, you know me. Once I point my gun towards you, I won't hesitate to pull the trigger."


May luha sa mga matang sabay na tinanggal ng apat ang mga pin na nakadikit sa black suit nila. Sabay nila itong iniabot kay Ezekia. Wala mang emosyon ang kaniyang mukha, pero sa totoo lang, nasasaktan siya. Nasasaktan siya dahil ang kinakatakutan niyang araw ay dumating na. Ang araw kung saan itataboy niya ang mga taong nagparamdam sa kaniya na hindi siya nag iisa.


"Keep it"


Nag-aalangan pa ang apat na umalis, lalo na ang kanang kamay niya. Hindi kaya ng konsensya nila na iwan ang babaeng itinuring na nilang kadugo, pero hindi din nila kaya itong suwayin. Takot sila sa magiging kapalit, hindi isang ordinaryong tao lang si Ezekia. Mas nakakatakot pa siya kay satanas.



Nang makaalis ang apat, itinapon ni Ezekia ang baril niya sa damuhan. Wala naman ng patutunguhan kung dadalhin pa niya yun.


Pumasok siya sa dining area kung saan naghihintay ang ina niya sa kaniya. Kaagad itong tumayo mula sa pagkakaapo ng makita siya. Bumeso sa magkabilang pisngi niya saka siya saglit na niyakap.


When the Warmness Replaced by Coldness Where stories live. Discover now