Chapter 13:

1.1K 73 6
                                    

(August)

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday happy birthday! Happy birthday teacher Sy!" Napapangiti ako sa pagkanta ng aking mga estudyante.

Maya maya pa ay lumabas si Zaniha na may dalang cake na may nakasinding kandila.

It's friday. And to day is my birthday.

"Blow the candle and make a wish na po Teacher Sy!" Sabay sabay nilang sabi.

Lumapit naman ako sa cake at nakangiting pumikit.

All I want was a happy life, that's all.

Matapos kong isipin iyon ay agad kong hinipan ang kandila. Sabay sabay naman silang nagpalakpakan at hiyawan. After the blowing if candle and singing of haloy birthday ay nagsikainan na kami. May munting handaan kasing ginawa ang mga estudyante ko.

I was really touched ng malaman ko ito. Sino ba namang guro ang hindi matutuwa at maluluha. I'm happy.

"Bye po, teacher Sy!" Pag paalam ni Zaniah. Siya kasi ang huling lumabas ng room. Mabuti naman at maayos na ang lahat.

They are all organized and disciplined. Kaya nga tuwang tuwa ako sa mga estudyante ko dahil hindi ako nahihirapan sa kanila.


After kong ayusin din ang mga gamit ko ay napatingin ako sa labas. Mukhang malapit ng gumabi. Nakauwi na kaya siya sa bahay. Naalala niya bang kaarawan ko ngayon?


Napahinga ako ng malalim. Matapos ang tagpong iyon ay tila walang nangyari. Pagkagising niya kasi, parang wala itong naalala. And me? Ayoko rin naman na iyong pag usapan pa. Ayoko ng e open pa ito sa kanya. Natatakot ako eh, natatakot ako sa maari niyang sabihin.Hindi ko alam pero tila sobra akong pagod at madali na lang ma pagod.

Dali dali akong lumabas ng eskwelahan at agad na sumakay ng taxi. Makalipas ang ilang minutong byahe ay nakarating din ako sa bahay. Agad akong pumasok at nag bihis. Matapos magbihis ay inayos ko na lahat.

Today is my birthday and kailangan kong mag prepare at mag-ayos ng mga kakainin namin mamaya ni Shawn. Alam ko kasing busy siya at hindi naman maaring siya pa ang mag prepare ng mga handa ko para sa akin.

Though alam kong marunong itong magluto dahil sa minsan ko na itong naturuan. Mukhang malabo naman na ipagluto niya ako.

Mabuti na lang at maraming sahog at kagamitan sa ref. Agad ko nang nilabas ang mga ito para mag-umpisang magluto. Habang naghihiwa ng mga kasangkapan ay biglang tumunog ang pinto.

Tinigil ko muna ang paghihiwa at dali daling binuksan ang pinto. Baka kasi si Shawn na ito. Pagkabukas ng pinto ay bumungad sa akin ang nakangisinat may dalang payong na si Benson.


"Happy birthday Kuya August!" Bati nito at durediretsong pumasok sa bahay.


"Pasensya na at ako lag ang nakapunta. Medyo masama kasi ang pakiramdam ni Mom. At saka umuulan kuya eh." Pagpapaliwanag nito habang pinapagpag ang suot na damit.

Ginulo ko naman ang buhok nito at ngumiti.

"It's fine Benson. Ano ka ba at pakisabi na lang kay Tita mamaya na thank you for the gift. " Sabi ko.

"By the way kuya wala pa ba si Kuya Shawn?" Tanong ni Benson.
Umiling lang ako at tinuro ang mga ginagawa ko .

"Oh, mukhang wala pa nga kasi nag luluto ka pa lang. Dapat umuwi siya ng maaga. It's your day, dapat nandito siya para tulunga-"


"Ano ka ba, it's fine. You know your kuya Shawn, he's hard working kaya intindihin na lang natin." Pagpuputol konsa sasabihin ni Benson.

" Tak, hardworking huh? Anyway ako na lang ang tutulong sayo." Ngumiti na lang ako dito. Nag umpisa nakaming maghiwa at mag ayos.

August (BL) (TAGALOG COMPLETED)Where stories live. Discover now