SIMULA

127 3 0
                                    

Yumiko's point of view...

"FINALLY!" I exclaimed while throwing myself into my bed. Sa wakas! tapos na! Ilang days na rin akong pabalik balik sa University of La Salette para mag enroll at ngayong enrolled na ako, I can finally have some rest and watch a lot of BL habang may time pa ako at hindi pa ako stress sa acads. University of La Salette is a Catholic school at yun lang ang katangi-tanging school na malapit kung saan kami nakatira. Naisipan ko na rin mag entrance exam sa ISU at SMU pero sa tuwing naiisip ko na malayo ito sa bahay ay hindi ko na ito itinutuloy.

First year college palang ako sa pasukan at sa totoo lang, my mom and dad want me to be an Engineer. Sila yong nag desisyon sa course ko. Expected ko naman na yon dahil only child ako, sabi nga nila 'Parents knows what is best for their child', hayss! Kalokohan!

"Yumiko?" Agad na napatingin ako sa pintuan ng aking kwarto nang bumukas iyon. Nakita ko si mama na may hawak na damit at agad niya namang itinaas ito upang ipakita saakin.

"Hindi kasya saakin, sayo nalang." Agad akong natawa. Mahilig mag online shopping ng mga damit si mama at sa tuwing hindi kasya ang mga damit na iyon sakanya ay saakin niya ito ibinibigay.

"Ang panget naman niyan, pang matanda," natatawang tugon ko kaya agad itong sumimangot. Kahit sino namang dalaga na gaya ko ay hindi mag susuot ng napaka tingkad na kulay na damit.

"Anong pang matanda? Ang ganda kaya!" saad niya at inihagis ito saakin. Inis na kinuha ko iyon at tinignan ng malapitan.

"Nope, ayoko ipahingi mo nalang kay tita baka gusto niya," sambit ko at inihagis kay mama iyon. Agad niya naman itong sinalo at umirap muna sakin bago siya tuluyang umalis.

Close kami ni mama pero minsan napaka sungit niya sakin. Hayy nako, parang hindi ko naman namana sakanya ang ugali kong maarte. Anyways, tumayo ako saaking pag kakahiga at nag bihis. Inaya kasi ako ni Quinnell Geth Dela Cruz, for short, Quinny. Pinsan ko siya at bukod sa mahilig siyang manood ng K-drama ay mahilig din siyang manood ng basketball. Liga daw ng basketball sa center ngayon at isa sa player yung isa naming pinasan na si Kuya Lloyd kaya manonood kami. Agad akong nag paalam kay mama nang matapos akong mag bihis. Naka suot ako ngayon ng black na crop top at naka sqare pants ako ng gray. Wala na akong time mag paganda okay?

"Wag kang mag alala ma, ihahatid naman daw ako nila Quinny pagkatapos ng laro," saad ko kaya tumango si mama. Hay, nag didilig nanaman siya ng mga Orchids niya, parang mas madalas niya na ngang i-myday sa FB yang mga yan kesa sakin na sarili niyang anak.

Umirap ako sa kawalan at natawa nalang. Lumabas ako ng gate at sinalubong sila Quinny na nag lalakad na palapit dito sa bahay.

"Sinong kalaban nila Kuya Lloyd?" tanong ko. Agad silang nagulat dahil hindi nila ako napansin na lumabas ng gate. Ang dadaldal ba naman kasi.

"Nakakagulat ka naman!" inis na tugon ni Quinny kaya natawa ako. Kilala kasi siya bilang funny person at kahit wala pa siyang ginagawa ay nakakatawa na ang mga reaction niya.

"Mga taga Norte daw ang kalaban nila ngayon. Nakakakaba dahil balita ko magagaling daw ang mga players ng norte," patuloy ni Quinny upang masagot ang aking tanong.

"Think positve! Kaya yan nila Kuya," saad ko at hinila na sila patungo sa center kung saan gaganapin ang laro. Honestly, ayaw ko naman talagang sumama dahil hindi ako mahilig sa mga ganyang bagay pero, nababagot na rin ako sa bahay, nasaktan pa ako ng number one crush ko.

"By the way, naka move on ka na ba?" Haystt eto nanaman. Iniiwasan ko talagang pag usapan ang bagay na yan.

"Yah," I exclaimed at inikot pa ang aking mga mata. Its been two years na nung na reject ako ng number one crushy ko, I mean, ex crush...

Prom night namin yung mga araw na yon at ka partner ko siya sa sayaw na i-peperform namin bago kumain ng dinner. Ang saya saya ko noong mga oras na yon hanggang sa makita ko na yung first dance niya, which is yong humored girlfriend niya! Hindi naman niya ako totally na nireject, feeling ko lang na nareject na ako sa mga nakita ko. I was sobbing while my friends are comforting me, na alis pa nga yung false lashes ko eh! Haystt! Sayang lang make up ko! Pagkatapos mangyari nung nakakainis na moment na yun, hindi ko na siya nakita. Nag karoon na kasi ng pandemic at two years na kaming nag online class...

"Are you sure---"

"Shhhhh, mag sisimula na." Bago pa man matapos ni Quinny ang kaniyang sinasabi ay tinakpan ko na ang kaniyang bibig at nag focus nalang sa game.

First quarter palang at sigaw na ng sigaw sila Quinny, habang ako naman ay tila ba hindi maka focus sa laro. Maraming gumugulo sa isip ko, dumagdag pa yang first day of school as a college student. Kinakabahan ako at the same time excited, 2 years na akong nasanay sa online class at sa tuwing mapapaligiran ako ng mga tao ay lumalakas ang tibok ng puso ko.

"Huy, alam mo ba?" Nabaling ang tingin ko kay Quinny na naka turo sa isang player ng norte.

"Ka chat ko yan sa Instagram," pag mamalaki niya pa sakin. Napa irap ako sakanya at umiling.

"Kailangan mo pa bang sabihin sakin yan? Mukha bang may pake ako?" Inis na sambit ko. Ayaw ko naman talagang maging masungit sakanya, sadyang bigla nalang nawala yung mood ko.

"Napaka sungit naman nito, ganyan ba talaga pag broken?" Mas dumilim ang tingin ko sakanya at pinalo siya ng malakas sa kanyang braso. Tumayo ako sa pag kakaupo at nilayasan siya doon kasama ang mga iba pa naming mga pinsan. Kumukulo ang dugo ko...

Habang nag lalakad ako palabas ng court ay agad na tumong ang aking phone na nasa kaliwang bulsa ng aking square pants. Kinapa ko ito at tinignan.

"Haystt! May gana pa talaga siyang mag send ng picture!" Inis na saad ko sa sarili ko at tumingin muli sa kina uupuan ni Quinny. Binigyan ko siya ng middle finger at kumaripas paalis sa court.

Nag send ba naman ng picture ni Magnus Zion Guerrero... yung number one crush ko!
.
.
.
To be continued.....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What If?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon