Nag hintay ako. Lumaban ako kahit alam kong sa umpisa palang, ako na yong talo. Buong buhay ko akala ko ikaw na ang Prince Charming ko na mamahalin ako gaya ng mga prinsipe na nababasa ko sa mga libro. Hindi ko alam na isa pala itong malaking kalokohan. Nag paniwala ako sa walang kwentang fairytale na yan! Why? Bakit? Bakit ngayong sumuko na ako? Bakit ngayon ka lang? Ako si Engr. Yumiko Grace Dela Cruz and I really don't believe in second chances. Akala ko parang sa mga napapanood kong teleserye lang ang buhay ngunit, habang tumatagal, narerealize ko na hindi pala ganon ang takbo ng mundo. Makakaramdam ka ng matinding pagod, lungkot at sakit habang tinatahak mo ang daan patungo sa tagumpay.