Kabanata 17

74 5 0
                                    

Kahit malakas ang kabog ng dibdib ay bumaba pa rin ako nang hindi na nag-dalawang isip. Sinalubong ako ni brie pag baba ko na may ngiting nakaukit sa kaniyang labi.

"Congrats..." Mahina ko ani ngunit tama lang ang lakas upang marinig niya. "Salamat," tugon niya na mas lumawak pa ang ngiti't kumakamot pa sa batok.

"Uh...bakit mo nga pala ako pinababa?" Iniwas niya ang tingin at binaba ang kaniyang kamay na kanina ay kumakamot sa likod ng kaniyang ulo. He bit his lower lip as his cheeks turn red.

"Gusto ko lang kasing ayain ka sana kung pwede. Uh...I heard there's a periya here..." Tumambol ang puso ko. Parang alam ko na Ang susunod niyang sasabihin ngunit dine-deny ko lang dahil ayokong maging assuming.

Not until those words come out from his mouth!

Hindi ko alam ang gagawin pati ang aking magiging reaksyon. Halo halo ang aking emosyon. Nagwawala yung puso ko, shit! Kalma!

Hindi ko alam ang nararamdaman ko...Kung kaba o saya, basta ang lakas ng pintig ng puso ko! Parang kinakabahan na ewan!

I sighed, trying to calmed down but failed to. Nag hihintay siya sa magiging sagot ko kaya huminga muli ako ng malalim upang subukang pakalmahin ang nagwawala kong puso bago sumagot.

"Pwede..." Mahina't na nanginginig pa ang aking boses. Kumunot ang noo niya at pinalandas ang kamay sakaniyang buhok. Hindi niya ata narinig!

"Sabi ko, pwede." Nag tagpo ang aming mata. Sinigurado kong rinig niya kahit mahina ang pagkakabigkas ko sa mga salita. Sumilay ang ngiti sa pula niyang labi bago dilaan ang ilalim n'on. I stared at his lips for seconds before looking away with a smile on my lips.

"And brie," tumingin siya sa'kin. Deretso sa mata ko na feeling ko ay kitang kita niya ang buong pag katao ko. "Perya hindi periya."

"Teh, wag 'yan! Mukha kang batang nawawala!" Sinamaan ko ng tingin si Chloe sa screen ng laptop at padabog na nilapag ang damit na napili ko sa kama. "Ano nga kasing susuotin ko?" Naiirita ko nang saad.

Male-late na ako sa usapan namin ni brie. Ang sabi niya kasi sa text ay alas otso kami magkita sa lobby nitong hotel pero seven fourty five na ngayon at hindi pa ako nakakapag bihis! As in, wala pa! Pati make up di ko pa nagagawa!

"Ba't kasi kailangan pang bonggang bongga, bes? Si brie lang naman 'yon! Mabuti sana kung si brion yon, noh!" Sulpot ni lui sa screen. May bitbit pa siyang ball pen at papel dahil tinutulungan daw siyang mag review ni chloe.

Pabagsak akong umupo sa upuang nasa harap ng study table kung sa'n nakapatong ang laptop ko.

"Eh kasi baka si brie yon, yung bebe ko!" Kita kong napangiwi sila sa sinabi ko. "Hay nako, Kung ako sa 'yo kay brion ka nalang, teh!" Ako naman ang napangiwi sa sinabi ni Chloe.

Ideal boy naman si brion kaso crush ko lang siya ng konting konti lang.

Hindi n'on mapapantayan ang pagka-crush ko kay brie!

"Hindi kasi, basta! Ano muna pwede kong suotin?" Minutes of choosing what to wear and we chooses the ruffled blouse na color brown as the top at sa pambaba naman ay isangw brown din na high waisted short.

I tied my hair into ponytail at ang ginawa ko pang pantali ay brown din na may ribbon. "Onting lip gloss lang!Wag ka pahalatang pinaghandaan mo 'to!" Ani lui sa background nang akmang maglalagay ako ng lipstick sa labi ko.

"Okay na ba 'to?" Tinignan ko ang sarili sa full body mirror bago harapin sila Chloe. "Pwede na 'yan!" Nag thumbs up si Chloe nang hindi man lang tumitingin sa'kin. Busy siya sa pag babasa sa cellphone niya.

Nagkibit balikat nalang ako at nagpaalam na. Shit! Lagpas eight na! Chi-neck ko nag cellphone habang nakasakay sa elevator.

Nakita ko ang text ni brie na nasa baba na daw siya kaya nagmamadali akong nag reply.

To bri3 qOuH~

Sige! Pababs ma aki

Di ko na magawang magawang punahin ang mali mali kong pag-type at lumabas agad nang makababa ako sa lobby. I saw brie sitting at the sofa attractively, nakapandekwatrong pambabae.

Nakasuot siya ng simpleng puting V-neck shirt at nakamaong shorts pero napaka gwapo pa rin!

Gosh, paanong ganyan siya ka-attractive kahit napaka simple lang ng pormahan niya? Binilisan ko ang paglalakad dahil patingin tingin siya sa relo niya. Tagal niya na sigurong naghihintay!

Sa bawat hakbang papalapit sakaniya'y ang unting pagwawala ng puso ko. Cringe man pakinggan pero ang lakas nang tibok ng puso ko!

"Brie!" Huminto ako sa harap nito. Ininda ko ang kirot sa paa dahil sa heels na suot at ngumiti kay brie na ngayo'y nakatingin na sa'kin habang may namumulang tenga.

"Sorry...matagal ka bang nag hintay?" Naramdam ko din ang init sa pisngi dahil sa tinging binibigay niya sa'kin!

Nakakatunaw...baka mas lalo akong mahulog.

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon