Kabanata 19

80 3 0
                                    

Nanlalamig at namumutla, iyan ang kalagayan ni brie habang naka upo kami sa roller coaster. Nagu-guilty tuloy ako na inaya ko siya dito.

Dapat pala sa kasal ko nalang inaya!

"Sure ka okay ka lang? Namumutla ka oh." Iling lang ang kaniyang tugon ngunit kita ko ang maya't maya niyang pag lunok. Namumutla talaga siya! Napadako ang tingin ko sa kamay niya at nanginginig yong nakakuyom.

Inabot ko ang kamay niya at hinimas. Surprised is visible in his eyes, nawala unti ang pagka putla niya and I feel him calm down a bit. His hands were cold and stern.

Humawak naman ako ng mahigpit sa seatbelt na sinuot sa'kin gamit ang isang kamay.

Humigpit ang hawak niya nang mag simulang gumalaw ang roller coaster. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa 'kin na parang doon siya kumukuha ng lakas. Shet, lakas maka-assume ah!

Pabilis nang pabilis ang pagandar ng roller coaster. Parang tinatakasan ako ng kaluluwa tuwing aakyat kami sa tuktok tapos biglang baba! Road trip to heaven na ata 'to eh!

"Okay na na pakiramdam mo? Sorry, dapat hindi na kita pinilit sumakay sa roller coaster." Binaba ko ang tingin sa pinaglalaruan kong daliri. Kinakain ng konsensya habang pinapakinggan ang mahihinang ubo ni brie.

"You didn't force me, I insisted, Chie."  Umangat ang tingin ko sa mukha niya. Para tuloy siyang naubusan ng dugo sa putla ng kaniyang mukha pero ang labi naman niya'y pulang pula at basa dahil kakatapos niya lang mag suka.

"Kahit na, ako nag-aya kaya...kasalanan ko pa rin."

Pagka-baba kasi namin sa roller coaster ay naduwal siya bigla kaya sobrang nakaka-guilty! Baka na-turn off na siya sa'kin!

Huminga siya ng malalim na parang sumusuko na. "Then, you owe me one." Kinagat ko ang pang ibabang labi. Kinakabahan ako dito ah! Baka sabihin niya bigla na layuan ko siya!

Akala ko naman magpapa-bebe pa siya, hindi pala! Ngumiti ako para tapalan ang kaba na gumuhit sa mukha ko. "How can I repay you, your highness?" I put my one hand in my chest and bow.

He laugh softly. Bakit pati yung tawa nakakain-love?

"A date will do." Kalaunang saad niya. Ako nama'y napatigil. Ano ulit yon? Date? DATE?! My breathing hitched. Tinignan ko ang mukha niyang may nakaguhit na ngisi. Nanlaki ang mata ko nang kumindat siya.

Natatanga ako sa pinag gagawa niya, ha! 'Di ko talaga naisip na may ganito din siyang side. "Sure ka? Wala nang bawian, promise till you are mine–charot!"

His laughter swim in the air. Ang sarap talaga pakinggan, lasang happy crush na iniiyakan.

"Salamat, Brie." I face brie with a smile after I open the door of my hotel room. Kahahatid niya lang sa'kin after namin mag gala kanina sa perya hanggang hanggang alas dose at ngayon ay maga-alas dos na dahil nag gala pa kami dito sa resorts.

This night was the best ever!

"See you sa next date natin, hehe." He nodded then smiles.

"Hmm, see you..." My heart jumps after hearing his sleepy yet husky voice. Mapungay ang kaniyang mata. I can't help but to be captured by his eyes like moon.

Halatang inaantok na din siya kanina pa, since after na umalis kami sa perya kita kong inaantok na siya but he still insisted na mag libot kami since we're not going to see each other tomorrow.

"You should go now, Brie. You look sleepy. May laro pa kayo bukas, diba?"

"Mhm, go inside first. Lock the door and also the windows." Tumango ako. Trying to hide the wide smide plastered on my face, I turn my back with a racing heartbeats.

Sinandal ko ang likod sa pinto pagtapos ko ito isara. I am breathing heavily while smiling widely.  Parang akong nakalutang sa sobrang gaan ng pakiramdam ko. I'm completely in ecstasy!

"Shet, delikado na 'ko."

I closed my eyes tightly when the rays of sun met my skin. Binitawan ko ang kurtina ng bintana at nilibot ang tingin sa baba kung nasaan ang mga taong nag lalakad sa dalampasigan.

Kids playing with the sands, couples having the best time of there lives, and those happy and complete families that I always dream to have. Kahit yung gagawing pamilya na lang namin ni Brie maging kompleto't masaya sa hinaharap, okay na ako.

"Good luck, Chie!" Salubong ni shane at verryl. Lagi talagang magkasama ang dalawang 'to bigla ko tuloy na-miss ang mga gaga kong kaibigan!

"Salamat. Manonood kayo?"

"Uh, ako lang," si verryl habang nakayukong nilalaro ang kaniyang mga daliri. "May laro kasi sila shane ngayon tapos yung sa chess ko naman bukas pa..." Ang cute niya talaga!

Shy type pero cute!

"Really?" Tumingin ako kay shane na tinanguan ako habang may nakapaskil na ngiti sa labi.

"Goodluck pala sa 'tin kung ganoon!" Shane is good at swimming, siya nga ang nagpanalo sa school namin last year that's why lagi din siyang prine-present lalo na sa swimming competition.

Habang ako naman naka-assign sa arts ngayon though ngayon lang ako nakasali sa ganito.

Chasing The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon