15 : Bon Appétit

183 7 8
                                    

From: unknown
Let's have dinner.



Napailing na lang ako bago ko itabi ang phone ko. "Ready?" Tanong sa akin ni Wesley, na naghihintay ng signal ko para makapag-umpisa na kaming tumugtog. I gave him a thumbs up. "Okay. Five, four, three, two..."



Picture perfect memories
Scattered all around the floor
Reaching for the phone cause
I can't fight it anymore

And I wonder if I ever

cross your mind



Gumala na naman ang mata ko sa bar, sa VIP lounge. But there was no sight of him. Natapos ang mga song requests at hindi siya nagpakita. Hindi naman sa ine-expect ko siyang pumunta rito at mangulit, siguro nasanay na lang akong nagpapakita siya kapag tine-text niya ako.



It has been days.



"Meilin, pwede ba tayong mag usap?" Tanong sa akin ni Madam Richy pagkatapos naming kumanta.



Pinunta niya ako sa pinakasulok ng bar kung saan hindi gaanong malakas ang music.



Mukhang nagaalangan pa siyang magsalita pero kita ko sa mata niya na parang kailangan niya nga akong kausapin.



"Meilin. May bago akong na-hire na singer, at susubukan ko siyang mag perform dito bukas..." Hinawakan niya ang kamay ko. "Kaya pwede ka na munang magpahinga. Bali, every other weekend ka na lang kakanta dito."



Napalingon ako kay Wesley sa malayo na pinapanood kaming mag usap. Parang alam na niya.



I smiled. "Okay po."



Oh no. Ibig sabihin mababawasan lalo ang monthly income ko. Kailangang makahanap ako ng isa pang trabaho.



Nginitian lang ako ni Madam Richy nang magpaalam akong umuwi. Hindi naman masama ang loob ko, naiintindihan kong nagpapatakbo ng business si Madam at kailangan iba-iba ang pakulo niya para hindi magsawa ang tao. Kaya kailangan palaging may bago sa bar.



Masyado yata akong naging busy at hindi ko naisip na mangyayari ito.



What now, Meilin?



Alas dos ng madaling araw nang makababa ako sa bus at malayo pa lang ako sa apartment pero kita ko na ang sasakyan ni Cameron sa tapat.

None the Wiser (Flavors of Love #2)Where stories live. Discover now