-14

13 2 0
                                    







"WAIT wait" Bulong ni Jason





"Bakit?" Tanong ko





"May kalaban" Naalerto ka agad ako kaya agad kong kinasa ang baril na nakagawa ng malakas na ingay! Narinig kong napamura si Jason





"Doon!" Sigaw ng isa kaya naman wala kaming nagawa kundi ang lumabas sa tinataguan at....





*Bang! *Bang! *Bang!





Tuloy-tuloy o sunod-sunod ang putok ng baril, "Tangina mga bobo! Dalawa lang yan pero hindi niyo matamaan!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki na nakamask. Siguro siya yung boss nila.





"Mika! Abort! Retreat! Wala na akong bala!" Rinig kong sigaw ni Jason kaya sinunod ko





Habang tumatakbo kami ay hinahabol at nagpapaputok pa din ng mga baril ang mga kalaban.





"Mika! Salo!" Sigaw niya at may binato siya sakin, agad ko naman itong sinalo at napatingin ako sa binato niya sakin, mga bala pala.





Mayroon pa naman akong bala kaya sige! Sugod Mika! "WAAAHHHHHHHH!!!!!!" Sigaw ko na hudyat na susugod ako.





*Bang! *Bang! *Bang! *Bang! *Bang!




Sunod-sunod ang putok ng baril na ikinaingay ng kalsada kaya naman dumadami ang mga kalaban dahil sa naririnig nilang putok ng baril, at dahil sa alam nilang may kalaban din!




"Tangina Mika! Ang galing hahahaha!" Rinig kong sigaw ni Jason




"Two joints! WAHHHHHHH!!!!" Sigaw ko at nagpaputok naman nang baril. Paulit-ulit pang ang ginagawa ko Kasa,Putok,Kasa,Putok (kamusta na mga utak niyo?)




"WAHHHHHHH!!!!!" Rinig kong sigaw din ni Jason, napipikon na yata "Arhg!!" Rinig kong daing ni Jason kaya agad akong pumunta sa pwesto niya.




"May tama ka Jason! Abort! Retreat!" Sigaw ko sa kanya





"Hindi! Mika mauna kana!, Ok lang ako dito!" Utos niya sakin habang nakatago na kami sa likod ng pader




"Hindi! Hindi! Hindi! Hindi kita iiwan p-please...." Pagmamakaawa ko





"M-mauna k-kana Mika" Sabi niya, hinanap ko kung saan banda ang tama niya ng bala




Nagulat ako nang malapit sa puso ang tama niya! Agad kong tinakpan iyon para hindi mabilis mawalan ng dugo "Hindi, hindi! P-please J-jason h-hahanapin pa natin sila C-chelse---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang tinakpan niya ang bibig ko





"H-hindi M-mika ikaw a-ang hahanap s-sa kanila" Sabi niya kaya hindi ko na maiwasan maiyak





"N-no! H-hindi ko kaya! Hindi ko kaya!" Sabi ko habang sunod-sunod na tumulo luha ko "K-kailanga kita!" Iyak ko




"D-dalian mo na, A-andyan n-na s-sila!" Sabi niya sakin




"S-sorry! Jason!!" Sigaw ko bago tumakbo






Habang tumatakbo ako ay nakarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril! Patuloy lang na umaagos ang luha ko






Napatakip ako nang bibig nang hindi na ako nakarinig nang putok nang baril. Dahan-dahan akong napaupo dahil sa tindi nang pagod at sakit






Iyak lang ako nang iyak bakit ganun? Kung sino pa ang nagmamaganda nang loob siya ang nawawala!? "WAHHH!!" Sigaw ko para mawala ang lahat nang sakit. Napatakip ulit ako nang bibig






Hindi pa din ako natahan, eh kasi naman bakit kailangan lagi kang magsasakripisyo ng buhay? Tsaka si Matthew asan na siya?






Habang nakayuko ako at naka upo ay patuloy pa din na tumutulo ang luha ko. May nakita akong dalawang pares na sapatos sa harap ko, wala na nakita na nila ako






"Sige patayin mo na ako" Mahina kong sabi






Pumikit ako para tanggapin na mawawala na ako. Pero makalipas nang ilang segundo ay wala padin akong naririnig na putok ng baril "Hey love, I'm here" Rinig kong boses na napaka pamilyar "M-mamatay na talaga ako!! Isa ka nang m-multo M-matthew! Sige k-kunin mo n-na a-ako" Sigaw ko






"Silly Mikasa, you're not dead. I'm here" Rinig ko pang sabi nang multo na Matthew! "Hindi! Patay na ako" Sigaw ko






"Kunin na ba kita?" Rinig kong sabi niya "Sige kunin mo na ako" Sabi ko kaya nagulat ako nang may magbuhat sakin at niyakap! "Ok sabi mo eh" Rinig kong bulong niya sa tainga ko





Hinarap ko siya "T-teka? H-hindi ka ba t-talagang m-multo?" Nagtataka kong tanong





"Why would i?" Natatawa niyang sabi





Natulala ako, at hindi makapaniwala kaya maya-maya ay tuluyan nang lumabas ang luha na kanina ko pang pinipigilan. Nakita kong nawala ang ngiti niya sa labi





"Bakit? A-anong p-problema natin?" Tanong niya





Patuloy lang ako sa pag-iyak at niyakap ko siya "Hinanap kita! Hinanap kita!" Dalawang beses kong ulit





"Andito na ako oh, nahanap mo na ako. Nahanap na kita" Malambing niya sabi





Hindi din nagtagal ay niyakap niya din ako pabalik "Ohh, such a crybaby Mikasa" Pang-aasar niya pero hindi iyon nagpatinag sakin para tumigil sa kakayakap





"S-si Jason n-nagsakrip-pisyo p-para lang makatakas ako" Sumbong ko sa kanya na para bang bata






"Don't worry love, Jason is fine" Sabi niya na ikinalaki nang mata ko, hinarap ko muli siya at hinawakan ko ang dalawang braso niya "P-paanon-----" Pinutol niya ang sasabihin ko nang nagsalita siya "Sinundan namin ang putok nang baril, gladly na humihinga pa si Jason" Sabi niya





"A-ano yung n-narinig kong p-putok nang mga baril?" Tanong ko




"Kami yun, kami ang bumaril sa mga kalaban Mika" Sabi niya sakin






Nakahinga naman ako nang maluwag "Salamat Matthew, t-thankyou" Sabi ko sa kanya





"Walang anuman mahal ko" Sabi niya





"A-anong Mahal!?" Sigaw ko sa kanya at sabay hampas sa braso niya




"Hoy nagagasgasan mo ang muscles ko" Sabi niya at sabay pakita nang muscle niya




"Para ka dyang abno" Sabi ko, natawa nalang siya













to be continued.........





(A/N: So eto na nga mapapabilis ang mga updates ngayon dahil nga malapit na ang school year, feel ko matatapos ko siya this month and syempre! After school year ako magpapub ng new story!! Hope you support me Senchae'ss!! Lovelots Enjoy Reading!!)






-AttractiveLovelyGirl

Love Is Just A Game (COMPLETE)Where stories live. Discover now