-20

29 4 3
                                    

PAGKAGISING ko ay wala na sa tabi ko si Matthew. Hindi talaga ako makapaniwala sa pinagsaluhan namin kagabi kaya napatakip ako nang muka! Shems! Nakakahiya ka Mikasa! Bakit ka pumayag!? P-pero bakit ko nagustuhan? Shit! Ano ba 'tong nangyayari sakin!!!

"Oh gising ka na pala" Muntikan na akong mahulog sa kama dahil sa gulat kaya narinig kong natawa si Matthew

"Ginulat mo ko!" Sigaw ko sa kanya

"Hala! Wala akong ginagawa sayo!" Sabi niya

"Tsk! Manahimik ka nalang! Lumabas ka dun magbibihis ako"

"Ako na magbihis sayo tutal nakita ko naman na yan kagabi eh" Nanlaki mata ko sa sinabi niya

"Hoy! Lumabas kana dun Mahalay ka!" Sigaw ko sa kanya pero napahalakhak naman ang abno "Mahalay daw, nagustuhan mo naman eh!" Pang-aasar niya pa

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko "Manahimik ka o sasampalin kita!" Sigaw ko kaya napataas siya ng dalawang kamay na tila sumusuko siya. Nakakainis siya! Pero mahal ko siya

"Sabi ko lalabas na" Natatawa niyang sabi pero inirapan ko lang siya pero natawa pa din siya

Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay nagpusod ako ng buhok at lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko ay wala si Matthew sa labas na nag-aantay. Shit! Hindi ko pa naman alam o di kaya'y hindi ko pa kabisado ang mga pasikot sikot dito sa baba

Bahala na si batman kung saan ako mapadpad. Habang pasikot sikot ako ay may nakita akong batang babae na palapit sakin "Hi po!" Bati sakin ng bata

Ngumiti ako "Hi beh ang cute mo naman" Sabi ko at pinisil ang pisngi niya. Totoo naman kasi makapal ang kilay niya at maputi din at unat na unat ang hanggang balikat niyang buhok "Ilang taon kana beh?" Tanong ko

"Four palang po ako" Sabi niya kaya nanggigil nanaman ako

"Nanggigil ako sayong bata ka! Ang cute cute mo! Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya

She giggled "Ako po si Mylaika. Ikaw po? Ang ganda ganda mo po tsaka ang ganda po ng mata mo po green"

"Ako naman si Ate Mika! Ikaw din ang ganda ng mga mata mo be blue naks" Sabi ko. She giggled again

Tumawa naman siya "Ate Mika hindi ko po kabisado ang mga daan po dito kaya gusto ko lang po'ng magtanong eh" Sabi niya. Aishhh nanggigil ako

"Ako din bibi eh! Naliligaw din si Ate mo, sama ka sakin? Hanapin natin parents mo" Tumango naman siya "Ate, papa lang po ang meron ako ih! Wala po akong mama ih! Hindi ko po alam kung nasaan siya ih!" Sabi niya kaya nagulat ako. Hindi ko alam na bata palang siya pero ganyan na ang pinagdadaanan niya

"Sorry bibi hindi ko alam. Hanapin nalang natin papa mo ah kapag nakita mo papa mo eh turo mo sakin ah" Sabi ko. Tumango naman siya

Karga-karga ko siya habang naglalakad ako "Ate bakit ka po nandito?" Tanong niya

Infairness hindi siya bulol-bulol ppkapag nagsasalita hindi tulad ng ibang mga bata "Kasi andito ang minamahal ni ate mo" Sabi ko sa kanya tsaka kiniliti ang tagiliran niya kaya napatili siya kaya natawa ako

"Hala ate may boyprend ka po? Ako po wala reto naman oh" Sabi niya kaya nanlaki ang mata. Hindi ko akalain na ang bata'ng ito ay maharot din pala hahaha

"Hoy wag kang ganyan bata kapa ikaw talaga" Sabi ko. Natawa naman siya

Kahit tumawa si Mylaika ang cute cute padin samantalang ako eh nevermind "Joke lang poh ih!" Sabi niya kaya natawa ako

"Mika!" Narinig kong may tumawag sa likod ko

Hala si Matthew yun ah "Oh! Naligaw kasi ako kay---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bumana si Mylaika sa pagkakabuhat ko

Love Is Just A Game (COMPLETE)Where stories live. Discover now