Guro

3 0 0
                                    

(A poem that aims to motivate students to pursue to achieve their dreams)

Sa paglipas ng maraming taon,
Napagtagumpayan ko na ang bawat hamon.
Ngayon ay pinagyayaman sa pagtuturo
Ang bawat batang may mabuting puso.

Pinagbuklod ng tadhana,
Pinagtibay ng panahon.
Ngayon ako ay handa na,
Na aking mapagtagumpayan ang mga darating pang mga hamon.

Sa aking pag-unlad, dala ko ang pag-asa.
Ipapabaon ko sa mga batang musmos at ilang nakatira sa kalsada.
Kay sarap magturo ng bukas ang iyong puso.
Magugulat ka na lamang, tatawagin ka nilang "Guro".

Kaya't habang maaga'y pahalagahan,
Pangaral ng inyong mga guro ay huwag kalimutan.
Balang araw ay iyong maiintindihan,
Kung bakit Edukasyon ay lubos ka kailangan.

ᴄᴏᴍᴘɪʟᴀᴛɪᴏɴs ᴏғ ᴏɴᴇ sʜᴏᴛ sᴛᴏʀɪᴇs, ᴘᴏᴇᴍs ᴀɴᴅ ᴘᴏᴇᴛʀɪᴇsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon