ako'y nahulog na sayo

1 1 0
                                    

Sa nakalipas na taon akala ko nakalimot na,
Akala ko wala na?
Pero mali pala ako, lumipas man ang mga araw na hindi ka nakikita ngunit sa puso ko andoon ka.

Naalala ko lang kung pano nag simula ang lahat, paanong ang tulad ko'y nabihag sa tulad mo;
Napakasimple mong tao halos wala ka ngang inilalagay na mga kulurit sa mukha ngunit para sa akin ikaw ay maganda,
Sa mga mata mong kay gandang pagmasdan, sa mga labing kay pula gaya Sa rosas, sa pangangatawang walang arti, pili sa ano mang masusuot, ngunit lahat naman yata ng damit na sinusuot mo'y nababagay naman sa iyo.

Lahat ng iyon, lahat ata na meron sayo ay nagustuhan ko;
Lalong lalo na ang ugaling meron ka,
Sa mapagkumbaba mong ugali, ang pagkabaitmong tao, ang masayahing tao sa mga mata ko, doon ko napagtanto na mahal na kita.

Pero pilit kong inilalayo sayo ang sarili,
Nais kung lumapit ngunit ayaw ko muna;
Sa taglay mong kakayahan ay sana naglakas na lamang akong sabihin sayo,
Masakit para sa aking na ikaw ay may nakita ng tao na nararapat para sayo.

Sa malumanay kung galaw, sa pagkamahiyain kong tao,
Sa pagkawala ng aking lakas ng loob na sabihin ang tunay na nararamdaman ko para sayo;
Hito ako't nasasaktan at nauupos na kandila dahil sa pagkaalam kung nakahanap ka na ng taong para sayo,
Nais ko ng lumayo, akala ko noon ang pagmumuni na alisin sa isipan ang taong minahal mo ay yung talagang nagkakaroon ng relasyon tulad ng mag jowa, mag-asawa, ngunit hindi lang pala pati rin sa taong nagmahal ng patago at hindi nasabi sa taong mahal niya ang nararamdaman niya.

Doon ko napagtanto na sana nasabi ko ang mga katagang nais sabihin sa kaniya bago ko mapagsisisihan ang lahat, ngunit salamat at ikaw ay dumaying sa buhay ko para turuan ako upang sa susunod na ako'y magmahal ay dapat ko nangsabihin sa kanya.

elton thoughtsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant