CHAPTER 17:

1.7K 38 15
                                    







HI! I'M HERE TO UPDATE NANAMERN. so before that may chika ako, kinakabahan ako legit Senior highschool na ako next year tas parang nadedemonyo ako mag take ng Law TvT but i do really want is STEM. nakakaloka kaka wattpad ko to HAHHAHAHA. anyways dont forget to vote and comment!


Magmula ng matangap ko ang text  ang text message ni Jace kanina, Ryden became weary of everything. we're supposed to go to my clinic today ngunit hindi ito  pumayag. Sabi nito ay sa Hospital muna ako para naman daw ay mabantayan ako nito.

"Ryden, kaya ko ang sarili ko." i assured him. Kasalukuyan kaming nasa loob ng kotse at patungo ng Hospital. Inirapan ako nito habang nakatingin sa daan.

"I said no. anong kaya mo? Kaeya, you almost  cry your eyes out earlier because you're scared. And now you're telling me na kaya mo ang sarili mo?" He said, sounding dismayed,.

Bahagya akong napakamot sa batok.  "Hindi naman iyak yun eh." pagdadahilan ko dito. Sinamaan ako nito ng tingin.  "eh anong tawag mo don?" he sighed as he waited for my answer.

"di naman kasi yun iyak, cry yon." i uttered as i started to fidget my fingers. Biglang kumunot ang noo ni  Ryden.

"What's the difference? It's just the same Kaeya." saad nito at bahagyang umiling iling. Inirapan ko ito at bumuntong hininga.

"The spelling and the syllables are different, Mr. Damasco." i proudly said as i smirked. Mahina itong na tawa at kalaunan ay naging seryoso ulit ang ekspresyon nito.

"Stop acting all strong, Kaeya. I want to take care of you. That Jace could harm you at any moment." He seriously said as he looks at me deep in the eyes. Umiwas ako ng tingin dito at pasimpleng inayos ang seatbelt ko.

"I-im okay. Really. Just let me go to my
clini—."

"No. Stay with me. You'll be more safer under my watch." Saad nito at hindi na ako pinatapos. Naging tahimik na lang ang buong biyahe at walang ni isa pang nagsalita saamin.

Naging mabilis ang takbo ng sasakyan at nakarating na kami sa Hospital. Pagkatapak ko palang ng glass door sa entrance ng Ospital ay agad akong pinagtinginan doon. Marahil siguro at matagal akong hindi nakapunta magmula ng nangyari ang gulo.

"Doctora!" Sigaw ni Damian at tumakbo ito papalapit saakin at yinakap ako ng mahigpit.

"Kamusta ka na Ma'am? Na miss ka namin." Masayang saad nito. Tinapik ko ang likod nito ay nginitian pabalik.

"Eto ayos naman. Humihinga padin." Akmang yayakapin sana ako ulit ni Damian ng biglang may tumikhim na demonyo sa gilid ko.

"Ahem!"

Si Ryden ito. Ibinaling ko ang tingin dito at halos hindi maipinta ang mukha nito sa sobrang dilim. Agad akong tumingin kay Damian at namilog ang mata nito at dali daling lumayo saakin.

"Goodmorning h-ho Dr. Damasco.." Damian awkwardly greeted Ryden.

Naka taas ang kilay nito kanina pa kaya siniko ko ito at binulungan sa tenga.

"Ayusin mo ang mukha mo kundi tatamaan ka sakin." I warned him as i looked at him straightly in the eye. Agad na nawala ang kunot ng mukha nito at bumuntong hininga.

"Goodmorning." Sa wakas ay bumati nadin ito kay Damian pabalik.

Habang naglalakad kaming tatlo nila Ryden sa hallway ay naririnig kong nagbubulungan ang mga nurses na nadadaanan namin. I didn't mind at all. Hindi ko dapat pinag aaksayahan ng oras ang mga kagaya nilang kulang sa atensyon.

Nang makarating kami sa harap ng Emergency Room ay agad na inagaw ni Damian ang atensyon ko.

"Doctora, mauna ho muna ako sainyo. May surgery po kasi kami mamaya kasama si Dr. Sanchez." Pagpapaalam nito.

GentleTouch  Series 1: Ryu Clyden  Roan DamascoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon