CHAPTER 25:

3.1K 55 28
                                    

HELLO! HAPPY READING!

(So ayon. Gusto ko mag sorry sainyo.lagi akong matagal mag update and i'm sorry for that. I'll try my best to update. )

Weeks passed, and it's already Saturday. Madaling lumipas ang oras at araw at labis na akong nangungulila kay Ryden. I tried to make my day productive without him but i still managed to be until weekend.

"Hi Kaeya!"

Bati sakin ng nila Julia, Ailfe, at Loraine. Kasalalukuyan kasi kaming nasa tambayan naming cafe dahil napagplanuhan naming mag magkita kita.

"Hi Kaeya. Kamusta ka na?" Biglang tanong sakin ni Loraine. I sat down at the chair and fixed my bag on the side before answering her.

"Okay naman ako. kayo ba?" Nakangiting tanong ko sa tatlo.

"Hay nako. Eto stressed ako kasi masyadong madaming pinapagawa sa school." Reklamo ni Ailfe.

"Ako naman, sumasakit ang ulo ko don sa boss ko. Dagdag pa yung si Chase. Nakakainis walang oras na hindi pinapasakit ang ulo ko." Sabad naman ni Julia.

"Same goes to me. My Boss keeps on bothering me kaya nakakairita na din." Ani naman ni Loraine habang nagkibit balikat nalang ito.

"Kamusta na pala mga inaanak namin?" Biglang sabat ni Julia sa usapan. Saglit na natahimik si Loraine at tila malalim ang iniisip.

"Okay lang naman. Hinahanap na nga nila kayo eh," naiiling niyang sabi.

"Sabihin mo hayaan nila at bibisita kami pag free schedule na namin. Alam mo naman, busy tayong lahat tas bihira nalang tayo magkita kita." Sabi ni Ailfe. Tahimik lang ako at nakikinig sakanilang tatlo nang bigla akong tinitigan ng tatlo at malalim iyon.

"W-what? Why are you guys looking at me?"  Tanong ko sa tatlo habang may malalapad itong ngiti sa labi.

"hm.. naka selyo na ba ang bataan?" Sambit ni Ailfe habang tumatawa. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko iyon at dumagdag pa ang hiya ko ng mabulunan ako ng sarili kong laway.

"W-what?! H-hindi!" Pagdedeny ko sa tatlo. Nag sisitawanan lang ang mga ito at ang mga titig nito ay halatang hindi kumbinsido sa sinasabi ko.

"Weh? Blooming ka eh. For sure naka selyo nayan." Hirit pa ni Julia.

"Wag kang mahiya Kaeya, kami lang to," sabi naman ni Loraine.

"Shhhh! Oo na!" Pabulong kong sigaw sa tatlo. Nakakahiya dahil kanina pa kami pinagtitinginan sa loob ngunit parang wala naman silang pakialam.

"Asus, sinasabi ko na nga ba eh. those who looks innocent are the ones who's more wild."  Naiiling na sabi ni Ailfe.

"Ano ba. Naririnig kayo!" Pabulong ko ulit na singhal sakanila. Akala ko ay titigil na ang mga ito ngunit mas lalo lang lumakas ang tawa nila.

"Tama nayan, umorder na muna tayo," pagputol ni Loraine sa kaingayan namin.

"Sino manlilibre?" Tanong ni Julia.

"Ako na," sagot ni Loraine. Agad na nanlaki ang mata namin sa gulat.

"Wow? Bumaliktad na ba ang mundo ngayon at ikaw na ang manlilibre at hindi kami?" Hindi makapaniwalang sabi ni Julia. Mahina kaming natawa at ilinabas ni Loraine ang wallet niya.

"Girls, syempre naman no, bagong sweldo ata to." Nagyayabang niyang sabi habang iwinawagayway ang wallet sa harap namin.

"Yeyy order na! Waiter yohoo!" Tawag ni Ailfe sa waiter. Ng makita kami nito ay agad itong lumapit bitbit ang menu.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GentleTouch  Series 1: Ryu Clyden  Roan DamascoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon