5

1 0 0
                                    

"Diona ang tamlay mo, maayos lang ba pakiramdam mo? Wag mong sabihin nahuhulog kana sa akin" Ok na sana yung una niyang tanong, kaso sinamahan niya ng kahanginan niya. Potek na lalaking to.

Inirapan ko lang siya at hindi na pinansin. Ang sama ng pakiramdam ko feeling ko matatae ako, dahil siguro to sa kinain ko kagabi, kasalanan to ni Kuya Khai, kung hindi niya ako sinabayan edi sana di masisira tyan ko.

"hoy, ok ka lang ba? Yung totoo? Muka kang natatae" May talent siya sa pang huhula ah, in fairness.

"Wag ka ngang maingay" suway ko sakanya, baka lalong sumama pakiramdam ko sakanya.

"Sagutin mo muna tanong ko" potek!!

"Hindi ako ok. Masakit ulo ko, masakit din bewang ko, sexbom sexbom sex bomb" barumbadong sagot ko. Nawala ang kunot na noo niya at halatang nagulat at mukang amaze na amaze, ang amazing ko kasi!

"Para kang ewan, sagutin mo ng maayos tanong ko" ay wow serious siya. First time to, sayang hindi ko na videohan!

"Maayos" Ok! Tawa kayo ang funny ko, humor level 1000!

"Ha ha" apaka sarcastic naman ng tawa na yun, ew walang humor.

"Masakit tyan ko, mag kakaroon ata ako" simpleng sabi ko.

"Mag kakaroon ng?" Anak, baka anak sis.

"Regla" His eyes widen when I said that word, kagulat gulat ba na mag kakarelga ang babae? Palaging na sho-shock ang mga lalaki pag sasabihan mo na may regla ka. Pareho sila ni Kuya.

After some time, mukang natauhan na siya dahil bigla siyang gumalaw at umayos ng upo, mukang nag iisip, goodluck kung may maisip siya, mahihirapan siya guys, wala kasi siyang isip.

He suddenly raised his hands that made me frown. Anong balak niya? Gagi baka ipagsigawan niya na meron ako! Please lang!

"Ma'am, si Dio po mainet, may sinat po ata. Can I bring her to the nurses office?" gago to, wala akong sinat, mainet ako kasi mag makaroon ako, hormones sis hormones!

"Miss Diona are you ok?" Kaloka naman to, mas na stre-stress ako. Umikot yung paligid bigla, tong lalaking na to!

"No ma'am, medyo nahihilo po ako at sumasakit ang ulo" No lies. Truth lang po, masakit ulo ko at nahihilo dahil sa lalaking to. Bida bida at desisyon siya.

"Alright, Mr. Calvin olease bring miss Diona to the clinic." Masungit nurse dun eh, sarap sakalin.

"Ok po ma'am" He stood up and helped me stand up. Sis nahihilo ako pero hindi ako baldado. Inalalayan niya ako hanggang makalabas ng classroom, pero pagkalabas na pagkalabas namin sis, umikot ang mundo nag 360°

"Huy, ok ka lang?" Saglet potek, nagiging tatlo tong lokong to. Saka muntanga tanong niya ah, muka ba akong OK?!

"Nahihilo ako ng sobrang, tatlo kaba?" napakunot ang noo niya sa tanong ko, he looked confused and worried at the same time.

"Tara papasanin kita" Hindi nga ako baldado sis, nahihilo lang. Pero ayaw ko ng makipagaway mas lalo akong mahihilo. Pumasan ako sakanya at nag umpisa na siya mag lakad pa puntang clinic. Ang bilis niya mag lakad, haba ng biyas ng lalaking to.

"Bukod sa masakit tyan at ulo, at hilo ano pa nararamdaman mo?" Gutom at antok.

"Sama ng loob" Tumawa siya sa funny kong joke, siyempre duzh, ang funny ko kaya. Anyways, ang sarap pakinggan ng tawa niya, parang kumakanta yung tawa niya, sintonado nga lang.

"Diona, umayos ka babato kita." Sampalin ko to eh.

"Yes"

"Anong yes?"

"No"

"niloloko moba ako?" medyo.

"Hindi, wala namang tayo." natahimik siya at tumawa. Funny ko talaga guys!

"Msakit lang ulo ko at nahihilo bukod don wala na" He nod at hindi na nag salita, finally! Peace!

After some minutes, we arrived. Finally!

"Bakit kayo andidito?" Tanong ng nurse. nandito po kami para kumain at mag party, hindi po para mag pa gamot kasi masakit ulo ko.

"Masakit po kasi tyan at ulo niya, nahihilo rin po siya" Mukang nagulat ang nurse sa sinabi ni Calvin at dali daling tinignan ako.

"Hija, baka naman buntis ka" gago ka ba?

"Virgin po ako, ang judgemental niyo po" apaka netong nurse nato. Masakit lang tyan at ulo buntis na agad?!

"ah sorry, hijo I higa mo siya doon, kukunin ko lang ang thermometer" tumango si Calvin at inihiga na ako sa kama at umupo sa tabi ko. Ang sabi ihiga ako sa kama yun lang, wala sinabi yung nurse na pwede siyang tumabi sa akin!

Dumating narin yung nurse at chineck ang temperature ko, sobrang hot ko daw. Charot! 38.7 ang temp ko, kaya pinag stay ako ni nurse at pinainom ng gamot. Calvin stayed too, bakit andidito yan? Wala ba siyang balak mag aral at maging mabuting student?

"Kung ano ano iniisip mo matulog ka na jan." manghuhula talaga siya.

"Why are you still here?" Thanks for taking me here. I really appreciate it, you can now go away and never come back. Charot! Mamaya hindi na talaga- eh ano naman kung hindi na bumalik?! Pake ko!

"Babantayan kita, baka lumala yang sakit mo eh." His smile...It's genuine one, ang cute pala niya pag ngumingiti ng totoo, at saka ang sarap titigan ng muka niya.

"You don't need to, anjajaan naman ang nurse, kaya niya akong bantayan." Umiling iling siya at talagang hindi umalis, napabuntong hininga nalang aki at inirapan siya.

"Taray mo, may sakit kana nga nagagawa mo pang mag taray." So what coconut? Why can't he just leave? Hindi ba siya nag aalala sa studies niya? Mas importante yun kasysa sa akin.

"Just leave, you need to study. Wala kang mapapala dito" Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Kapal neto kunotan ako ng noo.

"Wala naman akong matutunan kung pumunta ako sa klase ngayon. Mag aalala lang ako at iisipin ng iisipin kalagaya mo dito, kaya di ako makakapag focus dun. Mas better na andidito ako ngayon." Daming eme nito, pwede naman sabihin na nag aalala siya kaya di niya ako maiwanan.

"Wag mo akong sisihin pag bumagsak ka sa subjects mo." He just chuckled and then combed my hair.

"Ang ingay mo. Matulog kana nga, rest." Inisnaran ko siya at pinikit na ang mata ko, hanggang sa kanin na ako ng antok at tuluyan ng nakatulog.

I woke up after hours, dko alam kung anong oras na, pero madilim na sa labas. I look around to see if may kasama ako, and I saw Calvin, holding my hand and sleeping. Kaya to hindi pumasok eh, gusto niya lang matulog.

This guys. Hayst! He really didn't leave me.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Nov 08, 2022 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Last One To Forever (book 1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ