Chapter 2

378 14 0
                                        

          KAGAGALING LANG ni Yohann sa library nang pagliko niya papunta ng hallway ay di sinasadyang bumangga siya sa isang babae na may dalang maraming libro. Agad na nabitiwan nito ang hawak at kumalat ang mga iyon sa sahig.

"I'm sorry Miss," hinging-paumanhin agad ni Yohann.

"Okay lang," malumanay na sagot nito saka agad na naupo at dinampot ang mga librong nahulog.

"Let me help you," prisinta niya.

"Thank you," sagot ulit ng babae.

Habang dinadampot ang mga libro ay pasimple niyang sinisilip ang mukha ng babae. Nakatungo kasi ito at natatakpan ng buhok ang mukha nito kaya hindi niya makita ang itsura ng babae. Matapos nilang madampot ang lahat ng libro nito ay agad silang tumayo. Muntik pa nga itong matumba dahil nawalan ito ng balanse mabuti na lang at agad niya itong naalalayan.

"Are you okay?" tanong pa niya.

Parang nag-slow motion ang buong paligid ng umangat ang mukha ng babae at salubungin si Yohann ng nakangiti at magandang mukha ng dalaga. Parang may dyamante ang magagandang mga mata nito at mamula-mula ang mga pisngi ng dalaga, bukod doon ay ang cute din ng dalawang maliit na dimples nito sa magkabilang pisngi. Her lips are lovely on her pink lipstick. Matangos rin ang ilong nito at mahaba ang tuwid at itim nitong buhok. Mas matangkad siya dito kaya bahagya itong nakatingala sa kanya. Nang mga sandaling iyon, naramdaman ni Yohann ang mabilis na reaksiyon ng kanyang puso. Bumilis ang pintig niyon at tila may paru-parong umiikot sa tiyan niya.

Ngumi ti sa kanya ang babae at marahan tumango. "Yes, I'm okay. Salamat sa pagtulong mo ha? Medyo mabigat lang kasi 'tong mga libro," sabi pa nito.

"Ah, o-okay," tulala pa rin na sagot niya.

"Sige, una na ako," paalam ng babae.

Nakalagpas na ang babae ng tuluyan siyang matauhan. Agad niyang hinabol ang dalaga.

"Miss, wait!" habol niya.

Huminto ito sa paglalakad at humarap sa kanya. "Bakit?" tanong pa nito.

Huminga muna siya ng malalim. "Ah, is it okay if I ask for your name?" lakas-loob niyang tanong.

Ngumiti ito. "I'm Kate, Meryll Kate Mendoza," pagpapakilala nito.

Parang umawit ang mga ibon na naririnig niya sa labas ng gusali nang sabihin ng dalaga ang pangalan.

"I'm Choi Yoon-jae, but you can call me Yohann," sagot niya sabay lahad ng kamay.

"Are you pure Korean?" tanong pa nito.

"Ah, no. Purong Filipino ang Mommy ko," sagot niya.

Natigilan ito at napatingin sa kamay niya sabay tingin sa hawak nito. Nagkatawanan silang dalawa, paano nga naman ito makikipag-kamay sa kanya kung may hawak ito.

"Ah, tulungan na kitang magbitbit," prisinta niya pagkatapos ay kinuha niya ang mga libro at binitbit iyon gamit ang isang kamay lang. Matapos iyon ay saka nakipagkamay sa kanya si Kate.

"Nice to meet you, Yohann."

"Pleasure is mine," sagot niya.

Parang kumabog ng mas malakas ang dibdib niya ng magdaop ang mga palad nila. Mula doon ay sinamahan na ni Yohann si Kate hanggang sa library. Iyon din ang naging simula ng pagkakalapit nila.

Everything started from there. It was love at first sight. Ngunit sa kabila ng nararamdaman ni Yohann para sa dalaga, nagawa niyang itago ang tunay damdamin. Matapos nilang magkakilala ay naging magkaibigan silang dalawa ni Kate. Ang lahat ng iyon ay hindi lingid sa kaalaman ng matalik niyang kaibigan na si Vince. Palagi siya nitong binubuyo na magtapat na sa dalaga, pero dahil iyon ang unang beses niyang nakaramdam ng ganoon ay hindi agad siya nagtapat. Madalas kasi ay nauunahan siya ng kaba at nahihiya siya, natatakot din siya sa maaaring maging sagot ni Kate kapag nagsabi siya ng nararamdaman. Isa pang nakakapagpigil sa kanya na magtapat sa dalaga, minsan, sinabi ni Kate sa kanya na hindi pa ito handang pumasok sa isang relasyon dahil mas gusto nitong mag-focus sa pag-aaral. Bukod daw doon ay mahigpit ang mga magulang dito kaya hindi pa ito pinapayagan si Kate na makipag-boyfriend. Kaya walang magawa si Yohann kung hindi ang itago ang pagmamahal para sa dalaga at irespeto ang sinabi nito.

Si Kate ang naging inspirasyon ni Yohann para pagbutihin sa audition niya sa PhilKor Entertainment. Kasama niya ang dalaga noong araw ng audition niya, naalala pa nga ni Yohann na ito ang nagmo-motivate sa kanya para makapag-focus siya sa kakantahin niya. Labis kasi ang kaba niya ng mga panahon na iyon at si Kate ang nasa tabi niya. Nang makapasa siya sa audition, ang dalaga ang unang-unang naging masaya para sa kanya.

Nang mga sandaling iyon, gustong-gusto ni Yohann na magtapat kay Kate. Ngunit pinigilan niya ang sarili, ayaw din niyang biglain ito kapag bigla siyang nagsalita tungkol sa damdamin niya ng mga sandaling iyon. Gusto niyang irespeto ang sinabi nito na hindi pa ito handang makipagrelasyon. Nang araw na nalaman niya na nakapasa siya sa audition, nalaman din ni Yohann na kailangan niyang pumunta sa Seoul, South Korea para doon mag-training. Kaya bago siya umalis ay kinausap niya si Kate.

"Pagbalik ko, may sasabihin ako sa'yo okay?" ani Yohann.

"Hindi mo ba puwedeng sabihin ngayon?" tanong pa ni Kate habang umiiyak.

Nang araw ng flight niya papunta ng Korea ay pinuntahan siya nito sa bahay nila para makapag-paalam.

"Hindi pa eh. Saka na, kapag alam kong handa ka na. Saka tatlong buwan lang naman ako doon sa Korea, pagkatapos babalik ulit ako dito, tapos after three months pa ulit ako babalik sa Korea kasi nga nag-aaral ako dito kaya kailangan kong din umuwi," sagot ni Yohann.

"Basta mag-iingat ka doon ha? Huwag mo akong kakalimutan," sabi pa ng dalaga.

"Oo naman. I will never forget you. Promise, I'll come back for you. Hintayin mo ako, okay?"

Marahan tumango si Kate. "I promise, I'll wait for you," sagot ng dalaga. Pagkatapos iyon ay niyakap nila ang isa't isa.

Taliwas sa inaasahan ni Yohann, hindi siya nakauwi sa Pilipinas gaya ng nauna niyang nasabi. Hindi niya akalain na sa loob lamang ng isang buwan na pagte-training sa PhilKor Entertainment ay agad siyang sinama ng Presidente bilang huling miyembro na napabilang sa grupong Seven Degrees. Masaya si Yohann ng mga sandaling iyon dahil sa bilis ng mga pangyayari, sa isang iglap ay natupad ang kanyang mga pangarap, ngunit parte ng puso niya ay may bahid ng pag-aalala. Agad niyang naisip si Kate at ang pangako niya dito, ngunit inisip din ni Yohann, a promise is a promise and she trust Kate with her words. Kahit na magtagal siya doon, inaasahan pa rin niya na maghihintay sa kanya ang dalaga kaya pilit niyang pinanatag ang kalooban.

Dahil naging sobrang busy siya at ang mga kagrupo niya, mula sa paghahanda sa pagde-debut nila hanggang sa ipakilala na sila sa publiko sa Korea. Maging sa kabi-kabilang promotions sa iba't ibang TV shows. Hindi na rin nagawang tawagan ni Yohann si Kate, naging patakaran kasi sa kanila ng management ng PhilKor na kompiskahin ang cellphones nila ng isang taon para mas makapag-concentrate sila sa career nila bilang bagong grupo. Ang tatlong buwan ay naging isang taon mahigit, kaya ng bigyan sila ng bakasyon ng ahensiya ay excited si Yohann na umuwi sa Pilipinas.

But it seems like promises are made to be broken. Sa pag-uwi ni Yohann, agad niyang pinuntahan si Kate sa bahay nito, inaasahan niya na magugulat ang dalaga sa sorpresa niyang pagdating. Ngunit pagdating niya doon, siya ang mas nagulat sa balitang bumungad sa kanya. 

An Autumn's TaleOnde histórias criam vida. Descubra agora