Exclusively Yours 5

163 7 0
                                    

Nakasanayan ko na ang presensya ni East.

Kapag aalis ako ng bahay ay naroon sya at kapag darating ako ay naroon pa din sya at naghihintay sa akin. Sinusundo nya ako pagkakagaling sa trabaho dahil delikado daw sa daan dahil madilim pa at madaling araw pa.

He makes me feel safe.

Nawawala ang pagod ko sa tuwing makikita ko sya.

Nakakatuwa na may naghihintay sa pag-uwi mo at nag-aalala sa iyo.

It feels surreal.

Halos dalawang buwan na kaming magkasama sa bahay. Magkatabing natutulog. Sabay na kumakain.

Pero wala akong naaalalang nagkwento sya ng tungkol sa buhay nya.

I just know his name.

East Esquivel.

"Why are you starring at me, honey? Kumain ka na. Lalamig ang pagkain."

I smiled and start eating again.

Ang mga plano ko dati na para sa amin ni dad, ngayon ay kasama na sya.

"You're staring at me again. May problema ba?" he looks worried.

I shake my head. "Why do you call me, honey?"

"Just because.... nothing."

"Huh? Nothing?"

"Why? Don't you like it? What about I call you mommy bear?"

"Don't you dare!"

He chuckled.

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Tapos ka na kumain? Ihahatid na kita."

Minsan ay ihinahatid nya din ako papuntang school. Sabay na naglalakad at minsan ay kumakain ng street foods.

Tumayo na ako at naglakad na kami papuntang school.

Minsan ay marinig ako mula sa ilang babae ng ihatid nya ako sa school na sayang daw gwapo kaso hindi mayaman. Pass daw.

Gusto ko sana silang sugurin at sabunutan pero hinawakan ako ni East at umiling ito.

Psh.

Bakit ba ganyan na ang mindset ng mga tao ngayon?

Kakainis.

Hanggang sa may gate lamang nya ako naihahatid.

"Bye, honey."

I smiled at him. "Babye. Ingat sa pag-uwi."

Papasok na sana ako ng sunod-sunod na itim na sasakyan ang pumasok ng gate.

Nagtataka ako nung una pero naalala kong ngayon nga pala bubuksan yung theater at yung EVE company ang syang nagdonate ng pampagawa nito. Mukhang nandito ang may-ari ng EVE company.

Napansin kong tumigil ang mga kotse kahit wala pa sa loob ng campus. May kotseng itim din na tumigil kahit nasa gate pa lamang.

Nagsilabasan ang mga lalaking naka-tuxedo at humilera sa harapan namin at sabay sabay na yumuko.

Nagulat ako sa nangyari at halatang nagulat din ang gwardya maging ang mga taong nasa paligid sa nangyari.

Nilingon ko si East at seryoso lamang itong nakatingin sa mga lalaki.

Ikinumpas ng ang kamay nya at nagsipagtayuan ng tuwid ang mga lalaking nakatuxedo.

East...

Sino ka ba talaga?

Umuwi akong magulo ang utak.

This is too much to handle.

Ayaw tanggapin ng utak ko ang mga nangayari at nalaman ko.

He is Mr. Eve. The owner of EVE company.

Nababaliw na yata ako.

He tried talking to me but I told him to give me time and space.

I bit my lower lip.

"Dad."

Dad looks at me.

"Ano yon, anak?"

"Nothing." I said and smiled.

Pinagpatuloy na nito ang pagkain nya.

Ng matapos bumisita at makipagkwentuhan ng saglit kay dad ay deretso ako sa trabaho.

Mabilis akong lumabas ng pintuan ng fast food sa pag-aakalang naghihintay sa labas si East.

Damn it!

Ang hirap kapag nasanay ka.

Nakakapanibago.

Mag-isa na naman akong naglalakad sa madilim na daan.

I started sobbing.

My tears burst out.

"Why?..." I sobbed.

It felt like I was stabbed in the back.

I know I should move forward but how can I?

Day passed and it feels empty.

One week to be exact.

I feel empty.

Why?

Why am I feeling lonely again?

Kahit saan ako tumingin ay naalala ko sya.

I might go insane at this rate.

Why do I see him now?

Nasa labas ito ng bahay at nakaupo sa lagi nitong inuupuan habang hinihintay ako. Nakasuot ng tuxedo na mas nakadagdag ng kagwapuhan nito. Nakakapanibago syang tignan dahil madalas ay puti o itim na t-shirt and suot nito, tapos tsinelas.

Hallucinations.

Hahayaan ko na lang sana ito pero naglakad ito papalapit sa akin at niyakap ako.

"It's been one week. Is that enough time and space that you need?"

Isiniksik nito ang mukha sa leeg ko.

"Because if that's not enough. I might go insane. I can't live without you. Hindi ko na kakayanin kapag lumayo ka pa. I missed you so damn much, honey."



Exclusively YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon