CHAPTER 3

166 13 8
                                    

Hello guys, who's reading? Thank you for patiently waiting. I'm super excited writing this one, but I'm controlling myself from being too excited kasi baka rumami yung loopholes at wala na kayong maintindihan sa story😭 so please bare with me😭. And I'm also excited for my upcoming stories, I can't wait to share it with you pero I'm taking it slowly but surely. Baka pagbinilisan ko pumangit yung kinalabasan. And one more thing, kung mapapansin niyo, yung mga problema is nasa 'early chapters' kasi gusto ko ma-iba naman. Writers usually write the plots or problem sa gitna or malapit na sa last part pero baliw ako so sa simula ko nilagay😂. But stay tuned for the next chapters😏😉.



Vanish POV



Nandito parin kami sa funeral dahil hindi naman namin pwedeng iwanan sila mama dito. And it's night already, sinabihan ko sila Ezra na umuwi nalang dahil okay lang naman ako dito pero sabi nila sasamahan daw nila ako kaya nandito kami kumakain.

Nilatag namin yung kumot na dala ko sa sahig at doon kami kumain, ewan ko ba dito kay Yarika at sinabi niyang dito nalang kami sa sahig kumain. Yung iba naman umagree kaya heto na kami ngayon.

Well it's not that bad since nilinis naman namin to. Pero kasi sobrang lamig ng sahig kahit may kumot na.


Giniginaw na ang pusa ko.



"HOIII PAHINGI!" sigaw ni Yarika kaya napatakip ako sa tenga ko at napapikit.


Damn! Ang lapit lang ni Tamaira, bakit kailangan niya pang sumigaw.



"Lower your voice down Yarika. Para namang nasa kabilang bundok ang kausap mo" sita agad ni mommy Ezra.


"Yes mommy" kunwaring parang bata niyang saad. "Pahingi na ako Tamaira" Sabi niya at inabot yung kinakain ni Tamaira.




Nakasimangot naman si Tamaira pero hindi naman nagreklamo at hinayaan lang si Yarika.




Kung ano-ano pa ang mga pinagsasasabi ni Yarika habang kumakain kami kaya ang ingay namin kakatawa.

Ng matapos kami at niligpit agad namin ang kalat namin at kanya-kanyang hanap ng pwesto para magpahinga muna.



Ilang oras na katahimikan ang dumaan at nakaidlip na ako ng bigla akong niyugyog ni Naomi.


Pipikit-pikit na tinignan ko siya. "B-Bakit?" Medyo paos na sambit ko kaya tumikhim muna ako.



"May mga bisita" Saad niya at tinuro ang isang sulok kung saan doon nakaupo ang mga bisita.

Agad naman akong napatayo ng makilala ko kung sino-sino sila.



Sila ang mga business partners ni daddy. Nakilala ko sila nong minsang sinama ako ni daddy sa office niya para makilala sila. Kaya importante na asikasuhin sila. Pagkalapit ko sa kanila ay agad ko silang binati.


"Good evening po" magalang na bati ko kaya napalingon sila sa akin at tumayo kaya pinigilan ko sila. "Wag na po kayong tumayo. Ano pong gusto niyo? Kape? Juice o Tubig?" Tanong ko.


Umiling naman sila at sinenyasan ako na maupo. Kaya umupo ako at nagtatakang nilingon ang mga kaibigan ko na nagmamasid lang sa amin sa gilid, nagkibit-balikat naman sila sa akin kaya nilingon ko nalang sina Mr.Alkain.

Why do I feel like there's something wrong?




"Ms. Tompkin, nakikiramay kami sa pagkamatay ng mama at kapatid mo" Saad ni Mr. Argen. Tumango lang ako sa kanya.


The Runaway Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon