CHAPTER 7

122 8 16
                                    





Vanish POV



May iniabot siyang papel sa amin. It's a........ Birth certificate?

What the hell? Aanhin namin to?


"Clementine Dementria Aliano?" Pagbabasa ko sa pangalan sa birth certificate niya.

"Yes that's me! Nice to meet you all!" Masiglang saad niya.



"Ahm, para saan ang birth certificate?" Tanong ni Naomi.


"Ohh! Para alam niyo na nagsasabi ako ng totoo hehehehe" nakangiting sabi nito.



"Kahit birth certificate pinipeke na, pano namin malala na totoo to?" Singit ni Yarika. Sinuway naman agad Siya ni Ezra.



"Hoi! Totoo yan no, dumaan pa ako sa munisipyo para kumuha ng copy!" Defensive na saad nito.




"Bakit sa munisipyo? Bakit hindi mo nalang hiningi sa nanay mo?" Nakataas na kilay na tanong ni Yarika.



"Oo nga no? Talino mo naman lods" natutuwang sabi nito na kala mo ang galing-galing talaga ni Yarika.




Ganito ba talaga to? Ang ligalig niya naman.




"Please be straight to the point miss, what do you want from us?" Seryosong tanong ni Ezra.



Tumikhim muna siya bago nagseryoso.



Kaya niya pala?



"I'm here to offer you a job" Saad nito na nakakuha ng attensyon ko.

"We don't need it miss, can't you see? Mayaman kami" mataray na saad ni Nevaeh.

"You don't, but she doesn't" nakangisi niya akong tinuro.


Gulat na nagsalita ako. "How did you know?" Curious kong tanong.



"I know a lot of stuffs" mayabang na saad nito.




"What job are you offering?" Tanong ko.



Ngumiti naman ito. "Follow me to find out" Sabi nito at naglakad palabas ng bahay.


Nagkatinginan naman kami bago sumunod sa kanya.



"Lock your house bago tayo umalis, it may take a while" nakatalikod na sabi nito.



Clueless of what's happening, sinunod namin siya.


May nakaparadang malaking van sa harap namin. Much bigger than we have.


Humarap Siya sa amin at itinuro ang sasakyan. "Pasok na kayo, I'll drive" masayang sabi niya.


"Pano namin masisigurong hindi kidnapping to?" Nagdududang tanong ni Yarika.



"Call the cops? Wala naman akong gagawing masama eh! Nagmamagandang loob na nga ako" nakangusong sabi nito.


"Pumasok nalang tayo, let's call the cops Pag kahina-hinala na talaga siya" bulong sa amin ni Ezra.


Sumang-ayon naman kami bago pumasok sa loob ng van. Mas lumawak naman ang ngiti nito, bago patalon-talon papunta sa driver's seat.




"Ganyan ba talaga siya?" Nagtatakang tanong ni Naomi.


Lahat naman kami ay nagkibit-balikat. "Who knows?"



"Okayyyyyyy, buckle up everyone! Aalis na tayo!" Excited na sabi nito bago nagumpisang mag drive.


The Runaway Playboy Where stories live. Discover now