CHAPTER 4

142 8 8
                                    




Vanish POV




Kinabukasan ay agad akong pumunta sa kompanya ni daddy para asikasuhin ang mga papeles.


Pwede namang sekretarya nalang ni daddy ang gumawa nito pero gusto ko lang rin siguraduhin ang kalagayan ng kompanya ni dad.


After I checked everything ay mas nalungkot ako. The company is in the verge of bankruptcy.



Pagkatapos kong asikasuhin ang mga papeles ng mga dating business partners ni daddy. Ay ang sekretarya niya nalang ang pinahatid ko dito.




After that ay umuwi ako sa dating bahay namin. Kukuha ako ng damit ni daddy at dadalhin ko sa hospital.



As I entered the house,. memories came flooding my mind. Tumikhim ako para pigilan ang luha ko at pikit matang umakyat sa master's bedroom.



Now is not the right time to cry.




Pagkatapos kong kumuha ng mga gamit ay napagpasyahan kong umuwi muna sa bahay naming magkakaibigan.





I plan to rest muna kahit saglit lang. Naabutan ko silang lahat sa sala at kumakain ng chips.





"Lika ka van!" Saad sa akin ni Naomi kaya lumapit ako sa kanila.



"You look so tired, pahinga kana" puna sa akin ni Tamaira.




"Yun nga ang plano ko eh kaya pumunta ako dito" sagot ko naman.





"Kain ka muna bago ka magpahinga, kami na munang bahala" Ezra said kaya ngumiti ako.



"Thank you" Saad ko bago umakyat papunta sa kwarto ko.





Bukas ay ililibing na sina mommy, wala rin naman kasing pakialam ang mga kamag-anak namin sa amin. Kaya okay lang na ilibing sila ng maaga.




Pumikit nalang ako at hindi na nag-isip ng kung ano-ano. Mamaya pa ay dinalaw na ako ng antok hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng dilim.




Naalimpungatan ako sa sigaw ni Yarika sa pinto ng kwarto ko. Malakas pa ang mga hampas nito na akala mo ay nasa horror movie at hinahabol ng killer.



"VAN KAKAIN NA!!!" Sabi nito.



"Susunod ako" sagot ko at tumayo na. Rinig ko naman na umalis na siya.


Naginat-inat muna ako bago tuluyang lumabas ng kwarto. Dumeritso ako sa kusina at nandoon na sila lahat.


Kaya umupo na ako sa pwesto ko, nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain.




"Hoi alam niyo ba, narinig ko sa kapitbahay natin yung anak daw nong nasa kabilang kanto nabuntis ng isang kriminal!" Biglang sabi ni Yarika.


"Ang tsimosa mo talaga" komento ni Nevaeh.


"Ay narinig ko rin kanina, hoi Yarika ahh baka ikaw yung ama" Sabi ni Ezra.


"Gago Anong ako?! May puday ako!" Defensive sa sagot nito.

Nakagat ko naman ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang pagtawa.




"Hala ka Yarika binuntis mo yun, lagot ka sa tatay non" pagsasakay ni Naomi sa trip ni Ezra.



"Hindi nga ako!" Galit na saad nito.


The Runaway Playboy Where stories live. Discover now