Chapter 1: Titiana Stavroula

59 6 0
                                    



Pinunasan ko ang tumulong pawis mula sa noo ko. Kaninang pagkagising ko ay ang pageensayo agad ang hinarap ko. Nakasanayan na ng katawan ko gumigising bago sumikat ang araw para mag-ensayo. Naghanap ako ng panibagong recorded video upang isalang sa hologram equipment ko. Nang makita ko na ang nasa video ay inumpisahan ko na ulit mag-ensayo. Isang sipa ang pinakita ng nasa holographic photo at mabilis ko itong naiwasan. Matapos noon ang pag-atras ng kaniyang kaliwang paa at pumormang susugod sa akin.


Nakakatuwang isipin ang mga action star na napapanood sa mga movie ay ginagawa kong praktisan sa pakikipagbuno. Dala ng pagkapursige ng puso ko upang maging malakas pa ay madalas kong naihuhugot mula sa likod ko ang aking pinakamamahal na mga dagger. Mabilis ko itong pinatama sa kalaban at para maging makatotohanan ang pageensayong ito ay tila totoong nasasaktan ang kalaban ko dahil may dugong dumaloy sa kanyang kanang dibdib kung saan ko pinatama ang aking dagger.


Tumayo ang kalaban ko at nagpakita pa ng nasisiyahang ekspresyon kaya naman ginanahan muli akong makipagbuno. At nakapasok na naman ako sa sariling kong mundo umikot ikot ang kalaban at ganoon din ang ginawa ko hanggang sa naipukol ko ang aking dagger patungo sa kanyang noo. Tumagos iyon sa visualized holographic picture at nasiyahang tumusok sa aking pader. Natumba ang kalaban at naglaho nalang itong parang bula. Nice fight! Pinagpawisan ako at ramdam ko ang lakas sa aking katawan kakaibang lakas. Lakas na kaya ko ng protektahan ang sarili ko laban sa totoong kalaban. Muli ako nagsalang ng disc at napunta na naman ako sa sarili kong mundo.


Nang sumilip na ang araw sa aking kurtina ay tumigil na ako. Naligo at inayos ang sarili ko. Naupo ako sa sala ko na tanaw na tanaw ang magandang tanawin. Ang pagsikat ng araw panibagong araw na naman ang bubunuin ko. Ano naman kayang ekspidisyon ang mangyayari sa araw na ito. Napasulyap ako sa librong yakap yakap ko. Napangiti ako ng pilit at nagpakawala ng buntong hininga. Pinagmasdan ko ang librong makapal at luma na.


Kung sabagay sampong taon na itong nasa akin pero hanggang ngayon hindi ko pa nalalaman kung ano ang nasa loob. Kakaibang bigat sa dibdib ang palagi kong nararamdaman sa tuwing bubuklatin ko ito. At hindi ko alam kung bakit at para saan. Ngunit kakaiba naman kirot sa dibdib ang mararamdaman ko kapag wala ito sa tabi ko. Dahil marahil galing ito sa mga magulang ko at ito na lamang ang naiwan nilang alaala.


Nakatulala lamang ako sa magandang tanawin sa labas habang hawak ko ang aking locket. Ang locket na ibinigay sa akin ni mama bago sila kunin sa akin. Habang abala ako sa pagmumuni muni ay narinig kong lumangit-ngit ang aking pinto dito sa aking kuwarto. Hudyat na may lapastangang gustong pumasok sa aking silid. Mabilis kong pinukol ang aking dagger patalikod ng marinig na nakaapak na sa aking carpented floor ang lapastangan. Narinig kong tumama na naman ito sa pader. Kawawang pader!


"Nice one, Sera. Muntik mo na naman mamarkahan ang gwapo kong mukha" Nanunuyang sambit ng lapastangan. Kahit hindi ko siya tingnan ay alam ko ng siya iyon. Nakasanayan na nyang lapastanganin ang umaga ko. "Ano na naman ang ginagawa mo dito?" Malamig kong sambit. Saka lamang ako humarap sa kanya mula sa aking pagkakaupo rito sa sala ko. "As usual ano pa ba maasahan kong unang salita sa umaga na masasabi mo and by the way good morning too." I smirked. He's right palaging iyan ang bungad ko sa kanya at iyan lang ang kauna-unahan kong nasasabi tuwing umaga. Inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng aking kuwarto. Napapailing niya ako sinulyapan pagkatapos. Naitaas ko lamang ang isang gilid ng aking labi sa naging reaksyon niya.

I'm a Demon with  an Angel without WingsWhere stories live. Discover now