Chapter 2

170 31 6
                                    

Habang kumakain kami ni Anne ng lunch ay kinwento ko yon sakanya dahil for the first time in history!

Makakapasok na ako sa bahay nila Ion!

Di pa ako nakakapasok don dahil
una di naman kami magkaklase
dahil ka-batch ni Ion ang kuya
ko, tapos di rin kami close para
i-invite ako ni Ion sa bahay nila
since di naman kami magkapareha
ng circle of friends.

Pero wala naman ata syang circle of friends, I don't know.

"Dating bahay daw yun ng Lolo at Lola nya, yung pupuntahan mo
ngayon. Yung pinaka-main na bahay naman nila ng parents nya kasama yung grandparents nya is nasa Davao daw" kwento ni Anne base sa nasagap nyang chismis, i nodded while listening.

Buong hapon sa klase ay lutang ang isip ko kakaisip na pupunta ako sa bahay nila Ion, sana mag 4pm na!

Ano kayang itsura ng bahay nila?

Siguro ay simple kagaya nya pero
kaakit-akit tingnan!

"Tao po!" Sigaw ko sa labas ng bahay nila Ion sabay kalabog ng gate nila.

"Tao po!!!" Sigaw ko ng mas malakas dahil ang init dito sa labas!

"Wait! Oh, God!" Rinig kung reklamo nya habang padabog na lumabas sa bahay "Can't you wait?!" Sabi nya sakin habang binubuksan ang gate nila.

"Eh, ang init kase dito sa labas eh!" Sigaw ko pabalik.

"Tss, it's 4pm, the sun is already
setting" pagsesermon nya sakin
habang ina-unlock ang gate.

Tama naman sya, it's 4pm na and it's not that hot anymore but still!

Ayaw kung magtagal sa labas dahil excited akong pumasok sa bahay nila,3pm natatapos yung klase namin and then after that ay umuwi muna ako sa bahay para magbihis at pumunta dito.

Sabay kaming pumasok sa bahay
nila, may bulaklak sa paligid at
ang sarap pa ng simoy ng hangin
dito sakanila dahil maraming puno
at wala masyadong sasakyan na
dumadaan!

Feeling ko nga ay nasa bukid ako!

"Eh, ba't kase ang tagal mong
buksan! Siguro may plano kang
hindi ako pagbuksan ng gate para umuwi nalang ako" i concluded while roaming my eyes around their house pagkapasok ko.

"Tss, I'm not like you at may
ginagawa ako kaya natagalan"

Anong Im not like you?

Kung sya ang bibisita sa bahay namin ay aabangan ko pa sya sa gate! O sa kanto mismo!

Maliit lang ang bahay nila pero may 2nd floor at ang kalahati ay gawa sa kahoy ang kalahati naman ay gawa sa semento.

Pagkapasok mo ay sala kaagad sa kanan, sa kaliwa naman ay hagdanan papunta sa second floor,
kapag dumiretso ka naman sa
likuran ng sala ay nandon siguro ang kusina at CR.

Alam ko iyon kahit hindi pa ako
tuluyang nakakapasok dahil isang
tingin mo lang sa bahay nila alam
mo na ang daan.

"Our house is not big compared
to yours" aniya ng mapansin ang
pagkatahimik ko.

"Hey! I'm not saying na maliit yung bahay nyo tinitingnan ko lang kase it's my first time here" Sabi ko habang sumusunod sakanya papunta sa kusina.

"Whatever"

"Anyways, Are your grandparents not here yet?" Tanong ko sabay ngisi dahil iniisip ko na ma-me-meet ko yung grandparents nya!

"May nakita ka bang ibang tao
bukod sa'tin?"

"Wala! I'm just asking lang naman!"

chasingWhere stories live. Discover now