Chapter 5

134 28 6
                                    

"Hi!" Bati ko sa lahat ng SSG officers do'n sa SSG Office

"Hello!" They greeted me back, and judging by their appearance and aura they seems friendly naman

Dumiretso si Ion sa desk nya,
ang desk nya ang pinakamalaki at
pinakamadaming papers, grabe, para na syang CEO ng isang kompanya sa dami ng papel sa mesa nya!

"Take out your notes" Sabi ni Ion
nong naupo ako sa chair sa harap niya

"Grabe naman! Review kaagad,
alam mo ba gutom na gutom ako
kase di ako nakapag-recess kanina kase nag review ako sa library"pagsisinungaling ko pero totoo namang hindi ako nakapag-recess!

"At 'di rin ako naka lunch dahil
ginulo mo 'ko sa cafeteria kanina!" Pangongonsensya ko sakanya

"What? You didn't eat?" He looked at me with his brows furrowed, he sighed before talking again "You may buy your own meal" sabi nya sabay kuha sa notes na ibinigay ko

"Eh, masakit yung paa ko" sabi ko
sakanya sabay pakita ko sakanya
ng school shoes ko na may kunting
heels

Ngayon lang sumakit ang paa ko
dahil dito sa school shoes dahil takbo ako ng takbo kanina

"Fine. Stay there" sabi nya bago
tumayo at lumabas ng SSG Office,
napapalakpak naman ako sa tuwa

"Hi, Marie! Ako nga pala si Karylle.Yung Vice President ng SSG officials" pagpapakilala nong isang babae

"Hi! Im Marie"i said and smiled at
her but she just laughed

"No need to introduce yourself, lahat ng estudyante dito ay kilala ka" sabi nya ako naman ay pilit na tumawa

"Grabe, marie, ilang years mo ng crush si Ion?" Tanong sakin ng isa pang SSG officer na babae habang may tinatype sa computer

"Hmm, 5 years.." I answered

"Simula nong Grade 7 ako"

"Woah! 5 years? Posible ba yan?"

"Uhh, ano ba yang ginagawa mo?"I asked her to change the topic, i want to talk more about Ion but it's so awkward dahil baka biglang bumalik si Ion

"Inaayos ko lang yung program para sa Intramurals" sabi nya habang patuloy sa pag t-type

Napatango-tango naman ako, grabe!

Ganito pala sila palagi kahit uwian
na ay nandito pa rin sa school

"Anong oras kayo nakakauwi?" I
asked

"5:00pm? Minsan lagpas pa" sabi
nya habang patuloy pa rin sa
ginagawa "Si Ion nga minsan
mga 6:30pm na nakakauwi dahil
may pinapadagdag na gawain pa
ang mgaa teachers sakanya" sabi nya kaya nagulat ako

Akala ko 3:00pm din sila umuuwi
tulad sa'min

"Haaayy, nakakapagod naman!
Ang boring pa" sabi ng isang lalaki
doon at nag inat-inat ng katawan

"Marie! May joke ka ba?" My forehead wrinkled because of his question

Mukha ba 'kong clown o joker?

What the heck?

"Wala!" I answered strictly sabay
lapit sakanya "Ano ba yang ginagawa mo?"

"Nagbibilang ng mga papel" sabi nya

"Tss. kala ko naman ano.
Nagbibilang lang pala"
bulong-bulong ko sa sarili

chasingWhere stories live. Discover now