Episode 13

130 10 0
                                    

You Really Amaze Me


Chaeyoung POV


Nagkaroon ng biglang meeting sa Music Department kasi nga na push through yung dating project nila with Broadcasting Department. Magkatie-up naman ang The Lyric sa The Beats, and magkakaroon ng partners among the groups. Mag a-assist naman ang mga nasa The Rhythm.


So habang nagme-meeting nagkaroon commotion ang ilan dahil gusto nilang maka-partner si Jisoo. Syempre sikat si Jisoo kaya malamang madami talaga may gusto kaya hindi ko naiwasang mapa eye roll na lang sakanila. Kinuha din naman samin ni ate Irene yung mga schedules namin para daw makita niya lahat ng vacant namin.


Hindi naman sa umaasa ako, pero muka namang marami kaming same vacant sa schedule ni Jisoo. Kaya sana naman kahit pano may ilang set kaming dalawa. I remember her tuloy nung kumanta siya, binilinan pa niya ako na wag sabihin sa iba. Well, hanggang ngaun naman wala akong sinasabihan kaya,


"Pwede po ba kaming magpartner ni Rosie for duet?" nagulat na lang ako sa sinabi ni Sehun kaya lahat kami napatingin sakanya.


Napasandal naman si Jisoo sa chair and then tinignan si ate Irene for her to decide. "You can have few sets with Rosie, pero mostly kasi kami ang magkasama and our companion from The Beat is Jisoo." Kalmadong sabi ni ate Irene, I'm internally smirking right now.


Syempre, walang ibang makakasama si Jisoo kung hindi kami ni ate Irene lang so sobrang safe si love ko kung kami kasama niya.


"Bakit po kayo lang ni Rosie ang makakasama ni SC President?"


"Kasi yung schedule niyo hindi akma sa schedule niya."


Sakto namang pagbukas ng pintuan, dumating si Seulgi at Winter na may dalang pagkain, tapos may kasama silang isa pa pero hindi ko siya kilala.


"Guys, snack muna tayo."


"Thank you, Pres Seulgi."


"Ah, galing to kay Jisoo. Kaya siya yung pasalamatan niyo." Ngumiti naman si Suelgi at nilagay yung food sa table.


"Thank you, SC President Kim Jisoo." Then nagnod lang siya at napatingin sakin. As usual wala nanamang emotion yung mga mata niya.


Tumayo naman siya at nagpunta sa may window na parang may tinignan. Mukang malalim nanaman ang iniisip niya. Since bumalik siya dito galing US palagi nang malalim ang iniisip niya. Bihira ko na ulit siya makitang nakangiti at masaya. I let out a deep sighed habang nakatingin ako sakanya.


Maya pa ay merong namang lumapit sakanya na parang ngaun ko lang nakita. Tumingin si Jisoo sakanya at kinausap, inayos din niya yung necktie ni Jisoo at pinagpag yung coat nito ng nakatingin sila sa isa't isa.


"Ate Chae, baka po maputol yung spoon." Bulong sakin ni Karina, medyo napapahigpit na pala ang hawak ko sa spoon.


"Ah, sorry." Natawa naman si Karina sa reaction ko sabay iling niya.


Then binalik ko kay Jisoo yung tingin ko and this time nakayakap na yung girl kay Jisoo tapos nakapout pa yung girl.


"Jisooyaah." Naiinis na bulong ko.


"Ate Chae relax lang." natatawang sabi niya, pero naiinis na talaga ako. Ang lapitin kasi masyado ng chix eh.


"Pano? Hindi ba ako maganda sa paningin ng ate Sooya mo? Mas pinapansin pa niya yung ibang babae kesa sakin eh." Naiiritang bulong ko kay Karina, napasmile naman siya sakin.


"Ate relax, useless yung pagseselos mo kung nagseselos ka." Natatawang sabi niya.


"Magpinsan sila ate, another Kim. She's Kim Jennie, siya yung Human Channel natin dito sa University. Halos lahat kasi ng damit niya ay Channel and she's very fashionable. Halata naman diba? Ngaun mo lang siya nakita kasi kakabalik lang nilang magjowa. And speaking of jowa, yung nag-abot sayo ng food; siya yung jowa niya. Wag ka na magselos kasi ganyan talaga silang magpinsan."


"Huh? Magpinsan sila?" napatingin ulit ako sa kanilang dalawa. "Hindi naman halata."


--


After nilang kumain, nagkaroon sila ng dry run. Pinakanta na lang sila ng random songs at parang tune up na din sa mga vocal chords nila.


Namangha naman si Chae sa boses ni Jennie na merong duality. Kaya niyang kumanta ng sexy and kaya din niyang pacute yung boses. Akalain mo yun? Nakanta niya yung baby shark ng seductive yung boses? Tapos nakanta niya yung Easy on Me ng pacute-cute lang. Ang galing lang.


Madali lang sana yung kakantahin ko eh, pero nagrequest si Jennie at pumayag naman si ate Irene. Kantahin ko daw yung Stay ng masaya, nakita ko namang napatingin si Karina kay Jennie. Nakangiti lang naman sakin si Jennie kaya in-accept ko na lang as challenge yun.


"Wow! Ang galing mo kumanta ang ganda ng boses mo." Sabi sakin ni Jennie. Ngumiti lang sa complement na binigay niya sakin.


Nakita ko din si Jennie na nagthumbs up kay Jisoo at napangiti ito. 'Hala ano nanamang eksena yung nasaksihan ko? Napaka cute talaga kapag ngumingiti si love ko.' Hindi ko nanaman maiwasang mapangiti.


"You really amaze me. – Jisoo." Nanlaki yung mata ko nung makita ko yung text message lalo na yung name sa dulo.


"Ok, sige. Ako na talo ako na yung kinilig." Tinakpan ko yung mukha ko para hindi nila makita na sobrang kinilig ako sa text ni Jisoo sakin. Ang babaw pero wala eh, masaya na ako ng ganito kami sa isa't isa.


--------

Thank you for reading 🌈🌕⚜️

Fall for Me || ChaesooWhere stories live. Discover now