CHAPTER 2

7 1 0
                                    


Pagka uwi ko binati ko lang si mommy at si daddy then humalik sa pisngi at dumiretso na sa kwarto. Napatingin nalang ako sa kisame at napatulala.

Maya-maya lang dahil sa sobrang pagod nakatulog ako. Nagising ako sa ingay ng cellphone ko kaya kinuha ko yun at sinagot ang tawag.

"Hello?" bati ko pero dahil sa antoi ko naka pikit padin yung mata ko.

"Kristel Mae Cassandra Castro guess what?" Natahimik ito kaya inintay kong magsalita awit di nagsalita pa thrilling pa ehh inaantok pa naman ako.

"Ano!?" Sigaw ko kaya napatawa ito sa kabilang linya.

"May alam na ako kong bakit di tayo malala ni Kenken" sabi kito kaya dahil sa curiosity ko napa upo ako pero bumalik din sa paghiga.

"Ano na naman yan? Siguraduhin mo lang na totoo yan ahh" sabi ko

"Oo naman no nong umuwi ka pumunta sya sa bahay kasi sabi daw ni Tita Akira bisitahin daw kami at ipaliwanag kong bakit nga ganon"

"Oo nga nakasalubong ko siya sa gate nyo pero dumiretso na ako so ano bakit daw?" Tanong ko ulit.

"Ang sabi niya di daw niya tayo maala because of the gravity if the earth charot ito na" natawa pa ito sa kabilang linya

"Ang sabi niya naaksidente daw yun lang kaya nong umalis sya curious din kasi si mommy kaya tinawagan niya si tita Akira." sabi niya kaya mas lalo akong naging curious sa nangyari.

"Tapos?" Pa thrill din itong babaeng to parang walang sense of humor kitang curious na ako ehh.

"Kaya tinanong namin si tita Akira sabi niya totoong naaksidente daw si kenken at malala. Dahil daw yun sa ano may lasing na nagmamaneho tapos bigla daw lumiko yung kotse nong lasing tapos ayun nabangga sya. Di lang sinabi ni tita kay mommy na malala pero alam daw ni mommy na naaksidente si kenken. May naalala na daw si Kenken pero di pa daw lahat yung mga simple things lang daw. Kilala nadin ni Kenken ang parents niya pero si mommy tsaka tayo hindi nya maalala" mas lalo akong nalungkot sa nangyari kaya napagdesisyunan kong ayain si Nics uminom. Di naman namin ito first time kaya papayagab talaga kami.

"Tara bar tayo, para naman kahit papano mawala sya sa isip ko" sabi ko. Sya lang ang tanging kaibigan na nago open up talaga ako kapag may problema akong dinadala.

"Sge 7pm dating gawi magdala ka din ng pogi na driver charot" natatawang sabi nito na akala mo'y walang iniisip. Ganon kasi ang dating naka gawian namin pumunta sa bar tapos nay kanya-kanya kaming driver. Tapos gung driver na yun babantayan kami para di kami mabastos or para wakang mangyaring masama samin.

Kaya naghanda na ako pagtingin ko wristwatch ko malapit palang namang mag alas sais kaya lumabas muna ako para magpaalam kela mommy and magluto para maka kain ng maaga.

Pagka labas ko nakita ko sila sa sofa naka upo habang nanonood ng tv kaya pumunta nalang ako dun.

"Hello mmy, ddy ahm magpapa alam lang po sana ako. Pupunta po kami sa bar kasama si Nicole. Magdadala po kami ng driver para may magbabantay po samin." Paliwanag ko para payagan talaga naninigurado lang hahaa.

"Ohh sge basta ba mag-ingay kayo, kapag may mangyaring masama sa inyo di ko ma kayo papayagan ahh" nagbabantang sabi ni daddy. Strikto si daddy pero di naman yung tipong nakaka sakal may previledge padin naman akong gawin ang gusto ko.

"Mag-ingay kayo ha, anong oras ba kayo pupunta dun?" Tanong ni mommy.

"Alas syete po" sagot ko

"Sabihan mo nalang si manang na magluto na para maka kain ka bago pumunta dun." Sabi ni mommy pero dahil mabait ako, ako na ang magluluto.

"Hindi na po mmy, ako na po ang magluluto. Sinigang po lulutuin ko mmy ahh sge magluluto na po ako" napangiti nalang ako sa iniisip kong mangyayari mamaya.

"Ohh sge ikaw bahala" sabi niya kaya umalis na ako.

Pumunta na ako sa kusina oara ihanda ang mga kailangan sa lulutuin ko. Buti nalang may stock ang ref namin. Pero bago pa yun nagluto muna ako ng kanin sa rice cooker. Pagkatapos ko dun hinanda ko na ang lukutuin ko.

Kahit kasi may kaya kami tinuruan padin ako nila mommy sa gawaing bahay para daw kapag nag-asawa na ako may alam na ako. Perk akala mo naman may mahahanap talaga akong asawa haha.

Pagkatapos kong magluto kumain na ako para di ma late sa usapan namin ni Nicole. Naligo agad ako pagkatapos kong kumain at nagbihis. Ginawa ko ang mga routines ko. Nag dress lang ako ng hapit sa katawan ko at hanggang tuhod.

Binigyan nadin ako ng pera ni mommy kaya lumabas nalang ako at saktong pagtingin ko sa wristwatch 6:50 na kaya nagpaalam na ako na aalis na.

"Mag-ingat ha wag pabayaan ang sarili at wag masyadong uminom." Paalala muli ni mommy sakin.

"Opo mmy sge po bye" humalik ako sa pisngi niya tsaja kay daddy din at lumabas na. Naabutan ko si Manong driver kaya nginitian ko kang ito at pinagbuksan ako.

"Dating gawi kuya ahh" paalala ko sa kaniya.

"Opo ma'am" sagot nito

Kaya pinaandar na nya ang kotse at huminto sa bahay nila Nics. Bumusina lang si kuya at lumabas na ang kotse ni Nics. Kaya pumunta na kami sa bar.

Lumabas ako at hinintay si Nics na lumabas. Pagkalabas niya pumasok na kami at naghanap ng couch at buti nalang meron oa kaya dali-dali kaming pumunta dun at umupo. Nag order nadin kami ng iinumin.

Nagsimula na kaming uminom at konting kwentuhan tungkol sa mangyayari sa amin sa pasukan. Maraming kwento si Nics kasi siya lang naman ang talkative sa amin.

May tama na kaming dalawa ng may biglang umupo sa tabi ko. Magkaharap kasi yung couch kaya nasa tapat na couch si Nics naka upo.

"Hey girls, alone?" Tanong nito sa amin at kong sino ba namang t*nga ang magtatanong nyan alam naman nyang dalawa kami.

"May utak ka ba? Kita mong dalawa kami, may alone bang dalawa? Use your mind minsan ha?" Inis kong tugon, malas nya lang.

"Hey chill, I'm just asking if you two have other companion" mas mabuti pa kong yun ang tinanong nya kesa dun sa nauna may sense pa yung tanong nya ngayon.

"Wala kami lang, tsaka kong pwede lang nasa Pinas tayo baka di mo alam. Tigilan mo pagsasalita ng English wala akong baon ngayon." Seryosong sabi ko sa kaniya kaya napatingin ako at nakitang kong ngumisi ang loko.

"By the way I'm Leaven Marcos, how about you guys?" Sagot nya and totoo naman base lang sa mukha parang iniwan na.

"Bagay sayo yung name mo?" Sabi ni Nicole aba naunahan ako dun ahh.

"Syempre nasa genes na namin yun ehh?" Ayy di ata niya gets sinabi ni Nics kawawa niya lang haha.

"Ahh nasa genes nyo pala, nasa genes nyo pala ang mga iniwan you know mga sawi" sabay kaming napatawa ni Nics at nag-iba ang timpla ang mukha nito at parang galit na talaga.

"Cr lang ako ahh" sabi ni Nics kaya pumunta sya sa akin at bumulong.

"Ok kang ba nai ihi na talaga ako ehh" kaya tumango nalang ako at uminom ng alak. Umalis na sya kaya napatingin ako sa katabi kong sawi.

"Ohh ano pang ginagawa mo sawi?" Singhal ko kaya mas lalo na itong nagalit.

Nilapag nya ang dala nyang baso sa table at yumakap sakin. Hinalikan nya ang leeg ko kaya napasigaw ako. Pero dahil sa lakas ng music walang nakarinig.

May lalaking humablot kay Leaven kaya nakawala ako sa kaniya. Tumayo ako pero laking gulat ko ng makita ko si Kenken na hawak-hawak si leaven at sinuntok ito.

Napatulala nalang ako sa tabi habang si Kenken ay binubugbog yung gag*ng Leaven. Nagulat ako ng may biglang humawak sakin kaya napatingin ako at nakita kong si Nicole iyon na natataranta.

_______________

Continuation po sa susunod na araw hehehe mwaps thanks for reading☺️


My Handsome Professor Onde histórias criam vida. Descubra agora