CHAPTER 3

2 0 0
                                    


Lumabas kami sa bar na yun kasama si Nics and Kenken. Tulala padin ako at hindi makapaniwala sa nangyari. Kinakabahan din na baka isumbong kami ni Kenken.

"Okay lang ba kayo?" Tanong niya samin

Tumango nalang kami as a sign that we are totally okay. I can't believe na umabot sa puntong yun. Thats my first time na binastos.

"Ma'am okay lang po ba kayo? May nangyari po ba?" Tanong ng driver ko.

"Okay lang po kami manong" sagot ko kaya napatango nalang ito.

"Ahh ma'am Nics sabi ni Jason na sumabay ka nalang daw po sa amin. May emergency daw po kasi sa kanila kaya nagmamadaling umuwi. Nagpa alam nadin siya sa magulang mo" tumango si Nics bilang tugon.

"Ahh sge po salamat, by the way mauna na po kayo sa kotse manong may kakausapin lang po kami sandali" sabi ni Nics

"Ahh sge po mauna na po ako" at umalis na sya papunta sa parking lot.

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Kenjie na naka yuko tila galit padin sa nangyari. Di ko alam kong bakit galit sya gayong di naman nya ako kilala.

"This place isn't suitable for the two of you ladies. Alam ba ng magulang nyo ito?" malamig na ani nito.

"Tsk, we are old enough to do this night life tsaka di naman to araw-araw minsan kang" sagot ko.

"And bakit ka din andito?" Tanong ni Nics sa pinsan nyang si kenken.

"Yeah you are old enough but this place isn't safe?" Galit na sabi nito.

"Hindi naman pala safe tapos andito ka" sagot ko pabalik.

"I'm here because my friend celebrate his birthday, happy?" Sarkastikong sabi nito at haist di na sya nakakatuwa ha.

"Then andito din kami para mag celebrate, happy now?" Mas lalong kumunot ang mukha nya na tipong di na ma drawing nakakatawa pero pinipigilan ko lang.

"Tara na nga Cass ayokong makipag-usap sa taong yan" sabi nito at nauna ng maglakad.

"By the way thank you for saving me" syempre may kabutihan padin ako no kaya magpapasalamat na.

"Who are you in my past?" Bulong nya pero dinig ko padin yun.

"Sge mauna na kami salamat" kaya umalis na ako at iniwan na sya dun.

Umuwi kami sa gabing yun ng matiwasay. Tahimik sa kotse hanggang sa naihatid namin si Nics. Bumaba nalang si Nics at nagpa alam sa akin kaya tumango nalang din ako.

Pagkapasok nya sa gate nila umalis nadin kami. Pagkadating namin dumiretso agad ako sa kwarto ko. Nag half bath muna ako bago ako humiga.

Napatingin nalang ako sa kisame at napatulala habang iniisip ang nangyari kanina. Di ko alam kong anong mangyayari bukas. Kapag nagsumbong sya baka sermon ang aabutin namin kela mommy.

Nakatulog nalang ako sa pag-iisip sa nangyari kanina. Nagising nalang ako nong may kumakatok sa pintuan ko. Narinig ko ang sigaw ni mommy kaya bumangon nalang ako.

Pumasok ako sa banyo at naghilamos tapos nag toothbrush bago bumaba. Nakita ko sila mommy na nasa hapag kainan na kaya pumunta na ako dun at bumati sa kanila.

"Goodmorning mmy, ddy" bati ko sa kanila. Kinakabahan din ako dahil baka sinumbong kami ni Kenken.

"Kamusta ang lakad nyo kagabi?" Tanong nya kaya i sigh as a relief buti nalang di kami sinumbong.

"Okay lang naman po mmy, masaya naman po." Sabi ko kaya tumango nalang ito.

"Kumain ka na para magkalaman na yang tyan mo" sabi ni daddy sa akin.

My Handsome Professor Where stories live. Discover now