🌷 42 🌷

749 65 51
                                    

**The reason of his pain**

Sara's POV :

"Hello hon?" sagot ni bong sa kausap niya sa kabilang linya.

Mukhang si liit ang tumawag nakakasira ng araw.

"Ok hon, I'll just fetch you later after work" ani bong sa kausap niya.

Napa irap ako nung harap harapan ko pang marinig ang usapan nila.

Nananadya yata tong bwisit nato at dito pa sa harap ko nakipag usap sa jowa niya.

Mukha ba akong intirisado sa usapan nila, nakakairita.

Porke nagselos siya kanina, required din siyang gumanti.

'bantay kalang bong, tignan natin kung sino sating dalawa ang magaling sa larong to' sabi ko sa isip ko.

Nagpanggap nalang akong walang naririnig at nagpatuloy na sa ginagawa.

After niya makipag usap sa phone ay tumingin siya sa akin pero nagpanggap parin ako na parang wala siya sa paligid.

Naiinis ako at gusto ko siya sipain palabas ng opisina ko.

Nakikita ko siya sa gilid ng mata ko kaya alam kong palapit siya sa table ko.

"Ahm.. Is that everything you need?" tanong niya pero hinde ko siya kinibo at seryuso lang sa ginagawa ko.

Nakita kong napakamot siya sa batok niya kaya hinarap ko siya at seryusong tinignan.

"Yeah, thank you for 'personally' handing it to me, you can go" I said sounding sarcastic.

Kahit pigilan ko ang sarili ko ay kusang lumalabas ang pagmamaldita ko.

Nasira na ang araw ko kaya magsusungit ako kahit kailan ko gusto.

Napapailing nalang siya dahil sa biglang pagsusungit ko.

Tatalikoran na sana niya ako nung biglang mag ring ang phone ko kaya napatingin pa siya doon.

Kinuha ko yung phone at tinignan muna siya like telling him to go bago sinagot ang tawag.

Nasa malapit na siya sa pinto nung sinagot ko ang tawag.

"Hello?" sagot ko sa tawag.

"Mama" dinig kong sabi ni perry sa kabilang linya kaya napangiti ako.

"Hi love" malambing kong sabi sa anak ko.

Napansin kong napatigil si bong na buksan ang pinto.

Iba na naman ang iniisip nito sigurado ako.

Mukhang may plano pang makinig sa pakikipag usap ko sa phone kaya hinayaan ko nalang siya.

"Mama go home please" ani perry sa kabilang linya.

Para namang niyapos ang puso ko sa paraan ng pakikipag usap niya.

Ngayon palang ay namimiss kona siya ng sobra.

ALL OF YOUWhere stories live. Discover now