His Mother

187 19 0
                                    

"Rain Pov"

Nakatingin lamang ako sa kanila mula sa aking kinatatayuan.

Nag uusap sila,at tingin ko kailangan ko ng makaalis.

Hindi ko na siguro kailangan mag paalam pa.at maiintindihan naman nila ako bakit ako umalis ng hindi nag papaalam hindi ba.?

Tumalikod na ako at akmang hahakbang ng tinawag ni Novan ang pangalan ko.

"Rain..San ka pupunta?"

Lumingon ako upang sila ay harapin.

Bakit ba naman niya pa ako tinawag eh.
Ngayon paano ko haharapin ang ang Luna Queen..
Baka isipin niyang wala akong galang.Umalis nalang basta ng hindi nag bibigay pugay.

Humakbang ako papalapit at lumuhod para ipakita ang pagbati ko sa harap ng Luna Queen.

"Maligayang pagdating,mahal na Luna Queen.Masaya akong makaharap ka ngayon"

"Tumayo ka,at harapin ako"malumanay niyang utos

Kinakabahan talaga ako ngayon pero pinipigilan kong  ipakita ang tunay kong nararamdaman.

"Anong pangalan mo?"tanong niya muli

"Ako po Rain.Rain Robelle  nag mula ako sa Pack na kong tawagin ay---"

"Taga pagmana ng Zyllebel Pack"naunahan niya akong bigkasin ito bago ko pa nasambit

"Ako nga po,mahal na luna Queen."
Kahit napa amo ng mukha niya at paraan ng kanyang pananalita.
Hindi ko parin maiwasan na kabahan ngayon sa harap niya.

Mahirap pala talaga ang makaharap ang mga pinuno lalo na ang nakakataas.

"Anak,gusto ko siyang makausap ng kami lang dalawa.Maaari mo ba akong pagbigyan."
Sabi niya kay  Novan.
Nanlamig pakiramdam ko.

"Ngunit ina,hindi ba pwedeng huwag nalang.??gusto kong manatili dito."tugon ni Novan

Umiling ang Luna Queen

"Gusto ko lang siyang makausap..pangako,hindi ito mag tatagal.Ibabalik ko siya sayo ng walang galos"
Tumawa pa ito sa huli niyang sinabi

Tumingin pa ito sakin at muli tumingin sa ina niya

"Sige,ngunit tulad ng sinabi niyo ...dapat tumupad din kayo"nakasimangot nitong sabi,tila ayaw pa niyang sundin ang sinabi ng ina at napipilitan lamang siya.

Natawa muli ang Luna Queen.

"Matutupad"

Umalis na siya at iniwan na nga kami.

Sa pagkakataong malayo na si Novan saka naman hinarap ako ng Luna .
Nakangiti parin ito..Pero ngiti niya ay naghahatid lalo ng kaba saking dibdib.

"Ngayong araw ko lamang ulit...nakita ng ganito ang anak ko."
Paninimula niya

"Halika ,umupo ka dito  ..."pag tawag niya sakin habang marahan na pinapalo-palo ang kamay sa damuhan.

Sumunod ako ng may pag iingat sa kilos.

Ng makaupo ako sa tabi  niya.

Nakatingin na siya ngayon sa harap namin, kong saan  ang tanawin ang parati kong tinatanaw

"Alam kong nagtataka ka kong bakit kita,nais makausap.
Rain,huwag mabahala..tanging mapayapang pag uusap ang nais ko..wala sa plano ko ang takotin ka at pag malupitan.
Sa katunayan,nagagalak akong makita na may kaibigan ang aking anak.
Batid ko na,malapit kayo sa isa't-isa."

"Nauunawaan ko po.Pero mahal na Luna,gusto ko  lang pong itama.Hindi po ako ang malapit na kaibigang  tinutukoy niyo sa mahal na Prinsipe..tanging kamag aral lamang niya po ako"
Paliwanag ko

"Kilala ko ang anak ko.Walang nanatili sa kanyang tabi, bukod sa mga mahahalagang tao  sa kanya at ang mga  bantay niya...
At sa tingin ko,hindi ka kasama sa mga bantay hindi ba?"

Natigilan ako,kaibigan  ang tingin niya sa akin..

"Hindi po, pangkaraniwang kamag aral niya ako at  kapareha habang naririto kami sa paaralan."

"Rain , salamat sa pag babantayan sa anak ko..Alam kong hindi siya madaling pakisamahan ,hindi ko na aalamin pa ang  mga ginawa niya na hindi mo na nagustuhan.Ako na ang humihingi ng pasensya sa lahat ng mga iyon.
Kong ano man ang iyong hingin ,malugod ko iyong ibibigay,upang makabawi man lang ."

Agad na napa iling ako
"Mahal na Luna, wala po akong nais na makuha o maging kapalit.Totoong may ginawa nga siya,ngunit nauunawaan ko lahat... nakalimutan ko na ang lahat at matagal ko na siyang napatawad."

"Kong ganon,may hihilingin ako,na sana ay mapagbigyan mo."

"Tatanggapin ko,hanggang sa  abot ng makakaya ko."
Tugon ko

"Tungkol ito sa anak ko,gusto kong manatili ka sa tabi niya .Magpadala ka ng mga liham tungkol sa mga nangyayari sa kanya sa araw-araw, hindi ko hinihiling na araw araw kang magpadala tanging sa oras na may oras ka lamang na hindi ka abala...maaasahan ko ba?"
Agad ko naman siya naintindihan.

"Masusunod,mahal na Luna..asahan niyong nakakatanggap kayo ng liham mula sa sakin."

Naging malawak ang ngiti sa kanyang labi

"Talaga?!"mas naging masaya ang tinig niya

"Opo."

"Bibigyan kita ng pabuya dahil sa pagiging mabuti mo.Bibigyan kita ng kahilingan,kahit ano pa yon.. siksikapin kong matupad."

"Huwag na po,gagawin ko ito dahil gusto kong makatulong at mapasaya kayo.Hindi  para makakuha ng kapalit."
Pagtanggi ko muli

"Kahit pa anong sabihin mo,nakakatatak na saking isipan na may utang ako sayo na dapat pagbayaran."

"Pero--"

"Huwag mo nang pigilan ako,dahil malulungkot ako kong hindi mo tatanggapin.Gusto mo bang malungkot ako,huh.. Rain?"

"Hindi kailanman , kamahalan."sagot ko na napayuko

Napa palakpak pa ito  sa kasiyahan

"Kong ganon,iyon na ang sagot mo...bukas ang aking lahat ng pag kakataon upang pakinggan ang iyong kahilingan.."

"Sige po"
Iyon na lamang ang nasabi ko

"Kagabi nakatanggap ako ng balita na may naganap dito sa paaralan.Agad na tumakas ako para lang makapunta dito"

Nagsalubong ang kilay ko...tumakas??Pero saan??

"Tumakas?"nasambit ko bigla

"Tumakas ako sa palasyo.."
Hindi ko na napigilang hindi mabigla.

Ibig bang sabihin nito,nakapunta ang Luna Queen  dito ng walang nakakaalam.

Hindi kaya malaking pagkakamali itong ginawa ng Luna Queen..
Iniisip ko palang ang mga posibling mangyari sa pagkawala niya doon,nababahala na ako.

"Kamahalan,umalis kayo sa palasyo ng hindi alam ng mahal na Alpha King?"

Tumawa siya ng malakas
Sabay sabing

"Oo"

Nakakadama ako  ng may mas malaking kaguluhan na magaganap.

....

"Novan Pov"

Napa ayos ako ng tindig matapos kong makatanggap ng isang mensahe.

"Ano?!,paanong nangyari na nakaalis si Ina ng walang pagbabantay?"

Kaya pala nag iisa lamang siya doon,akala ko hinatid siya ni Ama.

Malaking kaguluhan itong ginawa ni Ina

"Mag madali kayo,agad na ipaalam kay ama na naririto si Ina."

"Tungkol sa bagay na yan,.. kamahalan.
Patungo na rito ang iyong Ama."

Pinutol ko na ang mindlink sa usapan namin .

Humakbang na ako ,patungo sa kinaroroonan nina ina.

Napapailing nalamang ako sa ginawa ni Ina.
Siguradong galit na galit si  Ama sa ginawa niya.




Big BAD Alpha(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon