Friend

160 16 2
                                    





"Rain Pov"

Mula ng hapon na umalis kami sa gubat,tahimik lamang siya habang nakasunod sa likod ko.

Kaya naman nag alala ako,pero Anong nagagawa ko kong hindi naging patas ang tadhana sa  kanya.Nag kagusto siya sa hindi para sa kanya at panigurado wala naman akong maitutulong sa nararamdaman niya.

Hanggang makabalik kami sa paaralan,ganon parin siya.

Sabay naman kaming nakabalik ng silid pero saglit lamang akong tumagal doon dahil ito din ang gabi na kailangan kong lumabas .

Iniwan ko siya ng wala akong nasabi,para sa ano pa  diba?Dapat lamang niyang tanggapin na mali ang nararamdaman niya.Sigurado naman na makikita niya din ang mate niya pagdating ng tamang panahon.

Ng makarating ako  sa lugar  kong saan ko pinagpapahingahan ,umakyat ako sa taas ng puno.
Kumuha ng bunga at humiga sa sanga

Ngayong gabi ang blue moon..ito ang gabi kong saan ginaganap sa aming pack ang kasiyahan.
Nakakalungkot lamang at wala ako doon para pakisaya, ngunit kahit ganon pa man at masaya narin akong malaman na ngayong gabi ay pinag diriwanng nila ang aming kasiyahan kong saan  kaarawan ni Ina.

Kinagat ko ang hawak kong prutas,habang ang isang kamay ay nilagay ko sa likod ng ulo ko upang gawing unan.

Habang nakatingin sa taas ng kalangitan,nasa isip ko ang masayang mukha ni Ina.
Na tuwang tuwa habang binabati ng mga panauhin noong nakikita ko pa sila at nakakasama.

"Ang saya siguro balikan ang dati.."sambit ko

Kong kaya ko lang bumalik sa nakaraan, siguradong masayang masaya kaming lahat, kahit nag iisa lang akong nasasaktan.

Kahit hindi ko siya tunay na Ina.. itinuring ko siyang Isa sa pinaka mahalagang tao sa aking buhay. Kahit na ako ang madalas na nakasasaktan at nag sasakripisyo ayos lang.

Itinaas ko ang aking isang kamay ,na para bang sa pamamagitan non .maabot ko ang kalangitan pati narin ang buwan.




"Prince Novan Pov"

Mula sa aking pinag tataguan,tinanatanaw ko siya .

Nakahiga siya sa malaking sanga , nakatingin sa taas .

Habang pinag mamasdan ko siya,nadadama ko ang kanyang lungkot.
...

At maging ako ay nakakadama narin

Naikiyukom ko ang aking palad,ayaw kong makita siyang ganito.
Ang makitang ang mga mata niya ay may bahid ng kalungkotan.
Naapektohan ako  pag ganito siya.

Gusto kong makita ang mga ngiti niyang matipid at matang puno ng sigla na palagi nalang akong nahahawa

Dapat may gawin ako,dahil isa akong Prinsipe kaya alam kong may paraan upang mapawi ang lungkot niya , ngunit.....paano?Anong gagawin ko.

Kanina lang ,hindi niya naunawaan kong bakit ako nagalit.Wala naman sana sa plano ang sabihin ko ang tunay kong nararamdaman,sa totoo lang nahihiya ako

At nagkataon naman na mali ang kanyang pag kakaintindi ,buong Akala niya ay ang kaibigan niya ang gusto ko.Kahit hindi derikta niyang sinabi alam kong iyon ang iniisip niya,huli ko nalang din naunawaan ang kanyang iniisip.
Hindi ko tuloy alam kong dapat ba akong matuwa o magalit sa nangyari.

Ngayon lamang ako nakadama ng hiya sa buong buhay ko at siya lamang ang tanging nakapag palabas ng ganito pakiramdam sakin.

Siya ang lahat, pero hindi ko pa masasabi ko siya nga ba ang mate ko.Hindi pa lumalabas ang senyales na siya nga, subalit kahit walang senyales ang pakiramdam ko at ang buong puso ko ,siya ang tinatawag.

Big BAD Alpha(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon