Goddess gift

80 3 1
                                    





Pinapanood ni Rain ang mapayapang pag lipad ng mga alitaptap.

Gabi na at bukas ang huling araw nila sa mundong ito.Bilang kapalit ng hiyas na may basbas ,hiniling ng diyosa ang pag dalo nila ni Keillan sa isang kasiyahan.

Isa lamang ang napansin ni Rain sa diyosa,masiyahin ito at mahilig sa mga kasiyahan.

Minsan tila bata ito kong umasta at minsan naman nakakabahala ang katahimikan nito sa tila napakalalim ng iniisip

"Bakit hindi ka pa nag papahinga?"tinig ni Keillan

Agad namang ikinalingon ni Rain

Umupo ito sa tabi niya.

Natawa ng bahagya si Rain bago magsalita

"Kahit pala,sa mundo ng kaluluwa kailangan magpahinga at nakakaramdam ng pagod"

"Hmm..Tama ka,noong unang punta ko dito yan din naisip ko agad"
Natawa din sya

Dumaan ang sandaling katahimikan

"Iniisip mo ba ang mate mo?"tanong ni Keillan

Ngayong natanong ito ni Luna Keillan sa kanya,naisip niya bigla si Novan

"Hindi naman po,tyaka alam kong binabantayan niya ako don at gagawin niya ang binilin ko"nakangiting sagot niya

Napa ngalumbaba ang Luna habang nakatingin sa labas ng malaking bintana

"Nawa'y nasa maayos silang nag babantay."sabay tawa nito
Alam na alam niya ang iniisip ng Luna,

Kaya naman siya ay napangiti lamang ng tugon.

"Luna, magiging madali lang ba Ang pag kuha natin sa hiyas?"

"Oo,dahil nakuha na natin ang tugon ng diyosa,tataposin lang natin ang kasiyahan  bukas at babalik na agad tayo sa lalong madaling panahon."

"Gusto ko na pong makita ang ina ko.Isang misyon ito ang mabibigay ng kasagotan sa aking buong pagkatao."
Pag hayag bigla ni Rain

Napatingin naman si Keillan sa kanya

Kita niya ang lungkot sa mukha ni Rain

Hinawakan niya nag balikat ni Rain

"Malapit na ,hindi ba? siguradong tulad mo ay matutuwa siyang makita kang muli."

Tumango si Rain.

Sabay silang tumingin sa langit ,ang buwan na napaka lapit lamang sa kanila.

....







Matapos ang gabi, kinabukasan ay nagising si Rain na sinalubong sila ng ingay mula sa pag sasaya

Ang kasiyahan na ginagawa ng diyosa sa oras na may panauhin ito sa mundo nila.

Kahit saan tumingin si Rain napupuno ng musika at nag sasayawang ang mga nandito nasa paligid.

Nasa tabi naman niya si Luna Keillan at nakikipalakpak sa kumpas ng musika .
Napansin naman ng Luna ang pag tingin ni Rain.

"Rain,gusto mo ba sumayaw?"pag aalok ng Luna

Agad naman na kaway ng dalawang kamay si Rain na nag sasabi na tumatanggi.

Umiling siya
"Naku po,hindi ako marunong sumayaw"
Pag tanggi na nakangiting tugon ni Rain

"Ano ka ba,halika ka nga"sabay marahan na hila ni Keillan.

Nagpa tianod nalamang si Rain kahit nahihiya

Dinala siya ng luna kong saan maraming sumasabay sa nakakagiliw na mga musika mula sa ibat-ibang  instrumento.

Big BAD Alpha(BL)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora