Chap23

1.6K 75 13
                                    

Brae pov.

"Hindi bat parang mabigat yata ang dala natin ngayon?" Dinig kong tanong ng lalaki

Hindi ko rin alam kung ilang oras naba ang tinagal mo dito at san lugar na kami napadpad..

"Hindi naman, hindi kalang nasanay.."turan ng isa

"Aissh, hindi ba kataka taka? O di kaya naman ay lumabis ang pag kuha mo ng gamit..baka magulat na lang ako ay may dala na pala tayong sofa ng hindi nalalaman.."

Pffft..iwan ko sa inyo..hahaha

"Ay, sinuri ko ng maigi ano ka ba at saka malilintikan tayo sa duke kung pati ang gamit niya sa bahay at dinala natin..mag isip ka nga!"

Ganyan mga magtalo kayo hahaha

"Kung sabagay tama ka.."

Lumipas ang ilang sandali ay naramdaman kong huminto ang karwahe,

"Marami atang nagkakalat na sundalo ngayon?" Dinig kong usapan nila

"Ang sabi may bantang panlulusob mula sa taqiea kung kaya nakakalat sila ngayon ng lungsod upang tiyakin ang kaligtasan ng taga herra.."

Oww..nakinig lang ako sa usapan

"Mga ginoo maari niyo bang itabi ang mga dala niyo? Para mainspeksyon ng mga sundalo at di na kayo mahirapan pa maging sila." Dinig kong turan ng tinig ng isang lalaki

"Paumanhin ngunit ano bang meron pare?"

"Hindi ko alam, bigla na lang kasing nagpapatupad ng inspeksyon sa mga naglalabas masok ng lungsod,"

"Ganun ba? Sige salamat sa pag iimporma saamin.."

Naramdaman kong muling umusad ang karwahe..

"Aissh! Kailangan natin mapakita ang mga dala natin ng sa gayun ay makadaan tayo..kailangan pa natin ipalista ang mga pangalan natin.." Saad ng isa

"Kung gayun ay tayo na, wala naman sigurong mawawala sa gamit pagkat may tukoy naman kung kanino ang karwaheng ito.."

"Oo tara na!"

Nawala ang imikan ng dalawang madaldal na lalaking nag dedeliver..

Dahan dahan kong inalis ang takip saka pinalibot ang tingin..

*smiling*

Amoy na amoy ko na ang dagat! Hehehe, mabilis kaong lumukso pababa ng karwahe at naglakad na parang walang nangyari..so, ito pala ang labasan ng lungsod..

Hindi pa uso ang barko kaya bangka palang ang meron dito...

^_____^

'Shaaaawakasssh, diyos na mahabagin maraming maraming salamat..'

Mabuti na lang di pa uso ang ticket ticked dito sasakay kalang ng bangka tas yong kondoktor ng bangka ang sisingil ng salapi sayo' ang kinaganda pa doon, magbabayad ka lang kapag nakarating sa destinasyon ang bangka don kalang sisingilin kaya naman ang plano sasakay ako kit' walang pamasahe pagkatapos pag nakarating saka tatakas! O di kaya tatalon bwahahahaha...

________________

Scheme pov.

*humming*

Pakanta kanta ako habang pababa ng hagdan..

Wala na yung hang over ko, iniwan ako char! *hawak sa ulo* but anyway, wala talaga akong maalala kahapon? Ano bang pinaggagawa ko? Basta naalala ko lang kasama ko yung prince tas umabot...hayy iwan! Di ko maalala..

"Lady ashwella!"

"Ay Palaka!"

Gulat na sambit ko..

She's The General's Mischievous LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon