Chapter Six

76 7 0
                                    


Santino POV

Naiilang naman ako nung simula lalo na nung ipulupot niya ang braso niya sa bewang ko pero ngumiti na din ako at ipinagpatuloy ang sayaw kasama si Alfred.

Napuno ng sigawan ang buong court kaya natuwa na lang ako kahit na medyo naiilang ako sa paghawak saaken ni Alfred.

Jusko! Ano ba ang ginagawa ng isang to dito sa stage!?

“Kyaaaaaaaaaa!! Jusko nalalag ata ang panty ko!!” Rinig kong sigaw na nagmumula dito sa harapan namen.

“Jusmeeee pakibigyan din ako ng ganyan!”

“Ibang klase! May pasabog ang bakla!!!”

“Kaibigan namen yan!”

“Spg!!!!!”

Kanya-kanyang sigaw ng mga tao sa paligid namen kaya hanggang sa matapos ang sayaw ay nakangiti lang ako pero sa hindi inaasahang pangyayare ay bigla akong natisod sa sarili kong paa pero agad naman akong hinawakan ni Alfred sa kamay at likod dahilan para magwala na ang mga nanonood.

“Ayyy grabe ang ka sweetan!!”

“Hustisya!!”

Sigaw ulit nila pero natuon ang paningin ko kay Alfred na nakasumbrero at naka face mask na nakatitig din sa mata ko.

“Careful” malumanay niyang sabi bago ako pinatayo ulit ng maayos.

Ako lang ba o sadyang parang ang sweet nung pagkakasabi niya non? Whaaaaaa hindi! Panindigan mong hindi ka magjojowa ng lalake Santino, panindigan mo!

“Thank you” sabi ko ng bitawan niya ang kamay ko.

“Your welcome” sagot niya pero hindi ko alam kung nakangiti ba siya o ano.

Sinundan naman ng mata ko ang pagbaba niya ng stage hanggang sa makabalik siya sa kinauupuan niya kanina at mukhang nagpalit siya ng damit at tinanggal niya din ang sumbrero at face mask.

Napahawak naman ako sa dibdib ko ng maramdaman ko na biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Bakit? Bakit siya? Taksil ka puso!

Bumalik naman ako sa backstage para mag-ayos dahil susunod na ang question and answer. Hindi naman nagtagal at lumabas din ulit kami at isa-isang tinawag ang mga naunang candidate para sumagot. At dahil candidate number seven ako, ako na ang susunod.

“Yes naman, si baby girl na may pa back-up dancer kanina” asar ng MC sabay sundot sa bewang ko kaya tumawa ako at rinig ko din ang hiyawan ng mga tao sa paligid. “Sikat ka na ohh, sino ba yun? Bebe boy mo? Ituro mo nga” tanong niya ulit kaya tumingin ako sa direksyon ni Alfred.

At nanibago ako ng makita siyang nakangiting nakatingin saaken pero umiwas agad ako ng tingin.

“Umuwi na sis” sabi ko sakanya.

“Ayy umuwi na daw mga bestie! Sayang liligawan ko sana ihh bakit mo naman pinauwi” kunwareng nagtatampo niyang sabi kaya nagsitawanan naman ang mga tao. “Ok, let’s start. Are you ready?” Sabi niya ulit.


“I’m ready” sagot ko at huminga ng malalim.

“Ok so here’s the question. Anong pangalan nung lalakeng kasayaw mo kanina?” Seryoso niyang sabi kaya tumawa ulit kami. “Chos! Joke lang eto na seryoso na talaga. Ano ang pinakamalaking pagsubok ang pinagdaanan mo sa buhay as a gay or bisexual? At paano mo nalagpasan eto?” Tanong niya kaya humarap naman ako sa madla at huminga ulit ng malalim bago nagsalita.

Bet to Love (PIP BL Series)Where stories live. Discover now