Chapter Nine

69 6 0
                                    


Santino POV

“Samantha!!!”

“Anak ng bakla!” Gulat kong sabi at muntik ko pang mabitawan ang hawak kong tray na may mga lagay na tinapay dahil sa boses na yun.

Inilapag ko naman sa malinis na lamesa yung tray bago nakakunot noong humarap sa abnormal na sumigaw at napataas naman ang kilay ko ng makita si Cha na sobrang lapad ng ngiti at halos mapunit na ang mga pisngi niya dahil sa lapad.

“I win. Panalo ako kyaaaaaaaa!!” Sabi niya at nagtatalon habang umikot-ikot sa labas ng bakery kaya aabutin ko sana siya ng kamay ko para tumigil kaso ang gaga sobrang saya kaya nagsalita na lang ako.

“Gaga matapilok ka, three inches yan na suot mong heels noh. Gusto mo mapahiya jan sa labas?” Natatawa kong sabi sakanya pero nagtatalon pa rin siyang lumapit sa glass at binitawan ang hawak niyang trophy at nanggigigil na inabot ang ulo ko papalapit bago pinisil ang dalawa kong pisngi.

“Kyaaaaa I can’t believe this! Thank you! Thank you! Thank you! Mwah!” Sobrang saya niyang sabi na halos hindi niya na narealize kung anong ginawa niya.

Nakatulala naman akong nakatitig sa mga mga mata niya at pinapanood ang masaya niyang mukha.

“Hoy! Bakit nakatulala ka na jan?” Sabi niya sabay pitik ang daliri niya sa harapan ko.

“Yucks! Kadiri ka ihh!” Reack ko sa ginawa niyang paghalik sa pisngi ko malapit sa gilid ng labi ko sabay punas non at pinunas naman ang kamay ko sa damit ko.

“Hahahahahahahahaha pwede ka ba ngayon? Libre kita” nakangiti niyang sabi.

Actually maganda naman kasi talaga etong si Cha. Echoserang Alfred yun, iba ata ang dipenisyon sakanya ng maganda sa pangit. May mga bakod ang ngipin niya pero mas nakakadagdag pa yun sa ganda niya kapag ngumingiti.

Maputi at makinis din naman, simple lang ang ganda niya at talaga naman kahit sinong lalake mapapaauto lingon sakanya.

“May trabaho pa ako girl” sabi ko sakanya sa boses babae.

“Ngek, di ka pwedeng lumabas muna? Tanghali na ohh, kumain ka na?” Sabi niya kaya napatingin naman ako sa orasan.

Oo nga pala, alas dose na ng tangahali. Ang bilis ng oras jusme. Magsasalita na sana ako ng bigla namang may dumating at tumabi kay Cha.

“Saamen siya sasama” sabi bigla ni Alfred at walang reaksyon na tumingin kay Cha.

“Aba! Ako nauna dito, at ako din naunang nag-aya kay, Sam. Huwag ka ngang umepal! Shoo!” Pagtatabuyan ni Cha sakanya kaya napakamot na lang ako sa batok. “Nililigawan ko pa nga si Sam eepal ka naman” dagdag niya kaya natawa ako.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Alfred at pipitikin na sana sa noo kaya nagsalita na ako. Napatingin naman ako kay Nicole na katabi niya lang at nahuli niya akong nakatingin sakanya kaya tinaasan niya ako ng kilay kaya umiwas na lang ako ng tingin.

“Sabay na kami ni Cha kakain, salamat na lang hehehe” kamot batok kong sabi kay Alfred bago tinggal ang apron ko at isinabit yun.

Sinara ko muna etong tindahan bago lumabas. Napatingin naman ako kay Cha at Alfred na parang nagtatagisan pa rin ng titigan kaya sinundot ko yung braso ni Cha.

Bet to Love (PIP BL Series)Where stories live. Discover now