Chapter 26

11.1K 261 46
                                    

Chapter 26: Private and secret

Kakatapos lang ng lunch pero parang hindi ako kumain. Kasi naman itong si Venn… panay ang DM kaya kailangan ko idelete. Hindi ako magreply sa kaniya or what, hindi ko na rin sineen ang messages niya.

Kailangan kong sabihin kay Stephanie na nasa ibang lugar ako. Ito naman kasing kaibigan ko… sinabi kung nasaan ako.

"Where are you going?"

Kakatayo ko palang mahinang tanong agad ni Luther ang narinig ko.

"D'yan lang," sagot ko at iniwan siya.

Tinakpan ko ang tainga ko nang balak nila akong tawagin. Agaran akong nagpunta sa restroom para mag-cr, naghugas lang naman ako ng kamay.

Tumingin ako sa harap ng salamin bago mapabuga ng hangin.

Nakakaasar, baka nasa Manila lang si Venn and worse baka magkita talaga kami. Kailangan kong sabihin na nasa… Bataan ako. Kailangan kong sabihin na doon ako naninirahan pero wait… hindi naman alam ni Stephanie kung nasaan ako, e.

Alam niya lang nasa Pilipinas ako.

Lumabas ako sa restroom para dumiretso sa locker ko. Ihahanda ko lang ang PE ko para kukunin ko na lang mamaya. Inayos ko rin ang gamit ko sa loob ng locker.

Paalis na sana ako nang may mapansin na pink paper, letter to be exact. Tumingin ako sa paligid bago kunin ang sulat para basahin.

'Kung pamilyar sa 'yo ang nasa paligid mo, malalaman mo kung sino ako.'

Napatigil ako at napaisip. Kahit ilang weeks ko palang nakakasama ang mga gago kong kaklase, nagiging pamilyar na sila sa akin.

Iyong pabango nga ni Luther amoy na amoy ko kaya minsan napapalingon ako sa likod ko dahil alam ko ang perfume niya kaso iba naman 'to.

Ang dami ko na ngang isipin tapos dumagdag pa 'to. Ang tagal na pero hindi ko man lang malaman kung sino.

Marami silang pinaghihinalaan ko na pwedeng gumawa nito.

Si Lawrence, Luther, Luke, George at iyong mga kaibigan nila. Kaso ang ganda ng sulat! Halatang babae ang nagsusulat.

Cursive writing pa kaya imposibleng sila nga. Ang ganda, e. Iyong mga sulat nina Luther pang Doctor ang style, e.

Kumuha ako ng papel at ballpen para magsulat.

'Alam ko naman na malapit ka lang sa akin, malalaman ko rin kung sino ka. :)'

Tinupi ko ang papel para itabi kung saan niya pwedeng makita. Umayos na ako para umakyat sa taas.

Diretso lang ang lakad ko nang makaakyat kaso napatigil ako nang makita ang sahig.

Sumenyas ang janitor na magpupunas siya kaya tinuro niya ang kabilang daan. Napakamot ako sa noo bago maglakad.

Iikot pa ako.

Naglakad na lang ako para makarating sa room.

"Ciara!" Tawag ng kung sino kaya huminto ako sa paglalakad.

Lumingon ako sa likod para hanapin kung sino 'yon kaso wala.

"Ciara!"

"Putang ina, sino ba 'yong tawag nang tawag?" Inis akong lumingon.

Nakita kong si Jarrell, kaibigan ni George. Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Hay nako! Nahahaawaan ka na ni George," natawa siya. "Anyway, halika dito."Hinila ako ni Jarell papasok sa classroom nila nang balak kong umalis.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now