Chapter 29

10.4K 280 105
                                    

Chapter 29: Familiar Face

Cyienna / Ciara

Kanina pa ako tapos gamutin. Wala naman na kasi akong sugat kaya bakit kailangan akong i-admit? Nakakaloka ang mga ‘to, nagulat nalang ako gusto sa nila akong i-admit.

Naka-VIP room pa ako, ha?! Ang lakas ng tama, okay lang. Si Luther naman ang magbabayad ng bill at kwarto kaya wala akong poproblemahin sa babayaran.

Since ayoko na rin manatali pa rito sa hospital, nag-aya na akong umuwi. Ayaw pa nga nila dahil mga nakahilata lang sila—yes, sila dahil nandito silang lahat kanina.

Napaka-lakas nga ng tama, e.

“Hey, where are you going?” Tanong ni Luther nang makitang paliko ako sa halip na dumiretso.

Nasa labas na silang lahat ng Hospital at kaming dalawa na lang ang natitira dito.

“Magrerestroom,” sagot ko at naglakad.

Hindi naman na siya nagsalita pero ramdam kong nakasunod siya. Sa labas lang siya ng girl's restroom nanatili. Pumasok ako sa loob. Lumabas rin naman ako sa cubicle, tumingin ako sa salamin para mag-ayos.

Kinuha ko sa bulsa ang tali ng buhok ko. Nagtali lang ako ng messy bun bago lumabas.

Napansin kong wala si Luther dito kaya inikot ko ang paningin ko. Hindi muna ako umalis sa lugar kung nasaan siya kanina dahil baka bumalik siya.

Tumingin ako sa iba’t ibang parte ng hallway. May mga nurses na abala sa mga pasyente nila. Tumabi ako sa gilid nang magsitakbuhan ang mga Doctor, sinundan ko ang tingin ang mga ‘yon.

May mga grupo ng kabataan katulad ko ang sumusunod, umiiyak ang isang babae. Tatlong babae at apat na lalaki ang nandoon.

Nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Lumapit ako para lang makita kaso nanlaki lang ang mata ko sa gulat.

Shit!

Anong ginagawa ni Venn dito?! Tangina!

Tumalikod ako nang makitang sa direction ko ang punta nilang lahat. Panay ang iyak ng isa habang mabilis ang lakad nilang lahat. May sinasabi si Venn, seryoso.

“I’ll call Tita Melanie so she can find…” hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil tuluyan akong pumasok sa restroom.

Napasandal ako sa pinto habang gulat na napatulala.

Parang kaka-alam ko palang na nasa Pilipinas siya tapos ngayon… nasa Manila na siya? Hindi malabong magkita dahil maliit lang ang mundo. Pero sana naman ‘wag.

Alam niya lahat at kapag nagkita silang dalawa ni Luther may posibilidad na malaman niya. Alam kong maguguluhan rin si Venn kung bakit ibang pangalan ang gamit ko.

Ewan ko ba… natatakot ako. Natatakot ako dahil nagsinungaling ako sa kanilang lahat. Nagsisinungaling ako sa lahat.

Mula kay Luther na walang kaalam-alam na nagsisinungaling ako… hindi malabong magalit siya sa akin.

Inayos ko ang sarili ko bago lumabas. Nakita ko naman na naglalakad papunta sa akin si Luther. Hindi ko na hinintay na makarating siya dahil lumapit na ako sa kaniya.

“Tara na,” sabi ko.

“Wait, hindi pa bayad ang bill mo. Let’s pay first,” hinawakan niya ang kamay ko papunta kung saan ang direction nina Venn.

Doon pala ang billing section!

“Sige pero bilisan natin, ah? Gutom na ako, e,” ngumiti ako.

Nahuhuli ako sa paglalakad kahit hawak niya ako sa kamay. Nakatingin lang ako ng diretso sa harap para makita kung nandito ba siya sa paligid. Hanggang sa makarating kami sa bill section, wala akong nakita.

A Runaway Royalty (Completed)Where stories live. Discover now