Ikatlong Kabanata: Ang Pagtatagpo

1.9K 110 6
                                    


*********************************

Ikatlong Kabanata: Ang Pagtatagpo

*********************************




Napapagod na si Marco. Ilang oras na rin syang nawawala sa bundok na iyon.


Alam nya ang lugar, pamilyar sya sa daan ngunit bakit nga ba sya nawawala? Saan ba sya balak dalhin ng kanyang mga paa?


Nauuhaw na sya. Ubos na rin ang baon nyang tubig. Bumalik sya kung saan sya nanggaling ngunit lalo lang syang naligaw. Lumubog na ang araw at hindi pa rin nya nakikita ang mga kasama.


"Ivan! Lea!"  patuloy lang syang sumisigaw. Pilit tinatawag ang mga kasama.  "Kendall! Ama!"


Lakad lang sya nang lakad. Wala syang balak abutan ng dilim sa bundok na walang kasama.


Nagugutom na sya.


Nauuhaw na sya.


Napapagod na sya.



Sandali syang sumandal sa isang puno.


"Guys..."  kinuha nya ang phone sa bulsa. Walang signal nang tignan nya ito.  "Letse."  Itinago na lang uli nya ito at tinignan ang relo. May pasado alas sais na.


Wala syang magagawa. Mapipilitan syang manatili sa kung saan sya naroon ngayon dahil delikado na kung magpapatuloy pa sya sa paglalakad sa madilim na gubat na iyon.


Hahakbang na sana sya nang biglang lumubog ang tinapakang daan.


"Aaaahhh!!!"


Nagpagulog-gulong sya pababa sa isang mataas na bangin. Napuno ang katawan nya ng mga tuyong dahon. Umiikot ang paningin nya. Hindi na ganun kaliwanag pero nakikita pa nya ang paligid.


Makalipas ang ilang pagpapagulong-gulong ay huminto na rin ang katawan nya nang makaabot sa pinaka-ibaba ng bangin.


"Agh!"  napahawak sya sa likod nyang sumakit. Hindi lang naman likod nya ang may aray kundi pati iba't ibang bahagi ng kanyang katawan.  "Lintik na! Ugk! Ugk! Ugk!"


Pinilit nyang tumayo kahit na bugbog na ang katawan nya dahil sa pagpapagulong-gulong sa mataas na bangin.


"Ugk! Ugk! Pwe!"  tinanggal nya ang mga sumabit na dahon sa bibig. Pinagpag nya ang damit na sinabitan ng maliliit na tangkay na tumutusok sa kanyang katawan. Nanlalagkit na sya. Dumikit na ang mga dumi, dahon at lupa sa mukha nya.


Napahinto sya sa ginagawa nang makita sa kanyang harapan ang isang napakagandang dilag na nakatingin sa kanya.


"Wow..."


Nilingon ng babae ang paligid. Tinignan kung may ibang tao pa ba liban sa kanya.


"Uh, M-miss? P-pwedeng mag-magtanong?"  lumakad sya papalapit sa babae. Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa nya ay agad na syang nanghina.


Napaluhod sya at agad na bumagsak sa lupa.


Nanlalabo ang kanyang paningin. Umiikot ang paligid. Nakikita nya ang babaeng naglalakad papalapit sa kanya.


Pinilit nyang gumalaw.


Pinilit nyang magsalita.


Pinilit nya ang sariling manatiling gising.


Ngunit wala syang nagawa dahil kusa nang bumigay ang kanyang katawan.


At sya'y nawalan na ng malay sa isang iglap.

AspasiaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora