Ikapitong Kabanata: Pagdadalamhati

1.7K 114 9
                                    



************************************

Ikapitong Kabanata: Pagdadalamhati

************************************




Ikalimang araw sa bahay na iyon.


Balisa si Marco habang nakatingin sa magandang mukha ni Aspasia. Pinaiinom sya nito ng tubig. Hindi sya makatanggi dahil uhaw na uhaw na sya.


"Pakawalan mo na 'ko..."  pakiusap ni Marco.


Walang sinagot si Aspasia sa pakiusap na yon. Inilapag nya sa sahig ang hawak na seramikang baso at pinunasan ang kamay gamit ang laylayan ng puting bestida.


"Hinahanap na 'ko sa'min."


Kahit isang salita ay wala syang narinig.


"Bakit mo ba 'to ginagawa?"


Rinig na rinig sa kanyang boses ang panghihina. Panghihina sa kadahilanang napapagod na siya— sa pisikal at emosyonal na aspeto. Naghintay siya ng sagot mula kay Aspasia ngunit nanatiling tikom ang bibig nito sa kahit anong tanong na nagmumula sa kanya.


"Balak mo ba 'kong patayin?" mahina niyang tanong. Tanong na nais niyang malaman ang sagot ngunit ayaw niyang marinig.


Isang matipid na ngiti ang natanggap niya mula sa babae.


"Hindi mo ba kayang magsalita?"


Ilang minuto pang katahimikan.


Isang malalim na buntong-hininga ang nagawa nya at napapikit na lang. Nagsisimula na siyang sumuko. Wala na siyang nakikitang pag-asa upang makaalis sa sinumpang lugar na iyon. Damang-dama niya ang lamig ng bakal na kadenang nakakabit sa kanyang mga pulso at paa. Kasing-lamig ng gabi ang mga mata ng babaeng kanina pa nakaupo sa kanyang harapan at pinanonood siyang nahihirapan.


"Natatakot ka ba sa akin?" tanong ni Aspasia sa kanya.



Dumilat siya at tinignan ang maamong mukha ng babaeng limang araw na siyang ikinulong sa luma at abandonadong bahay na iyon. Sa wakas ay narinig na niya itong nagsalita pagkatapos ng napakahabang limang araw na pananatili niya sa gubat.

Napakahinhin ng boses nito at napakasarap sa pandinig.


Tinitigan niyang maigi ang mga nakahuhumaling na mata ni Aspasia. Singlalim ng hatinggabi ang mga mata nitong may nais ipahiwatig sa kanya. Tumatama ang liwanag ng buwan sa kanyang mukhang ikinukubli ang isang nakapangingilabot na pagkatao.


"Parang awa mo na... pakawalan mo na 'ko."


Umiling si Aspasia habang nakatingin sa kanyang duguang mukha. Hinawi nito ang kanyang buhok na nanlalagkit na dahil sa pawis at dugo.


"Hinintay ko ang pagdating mo at ngayon ay nagbalik ka." isang matamis na ngiti ang ibinigay nito sa kanya, "Wala ka nang magagawa dahil kahit ano pang mangyari... akin ka na."


Kumunot ang noo ni Marco dahil sa sinabing yon ng babae sa kanya.


"Hindi kita kilala. Bakit mo hihintayin ang—"


"Ibinalik ka Nya sa'kin. Ibinalik ka Nya."


Kitang-kita ni Marco ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Aspasia habang walang kahit anong emosyon ang mababakas sa mukha nito.


"Hindi. Kita. Kilala."  Pagpipilit ni Marco.


"Kuya..."


"Kuya?"


"Ikaw sya... Ikaw sya..."



"Wala akong kapatid."


"Bakit mo 'ko iniwan dito?"  malungkot na tanong ni Aspasia.


"Hindi nga kita kilala."


"Nangako ka, Kuya... Ang sabi mo magkasama tayong bababa ng bundok..."


"Ngayon lang ako nakarating dito, ok?! Wag mong ipagpi—"  napahinto sya sa pagsasalita nang biglang syang sinakal ni Aspasia at buong pwersa syang idinikit sa haligi ng bahay.


"Pagbabayaran mo ang ginawa mong pag-iwan sa'kin dito."  Puno ng pagbabanta ang tono nya habang pinandidilatan ng mata si Marco. Ang kaninang maamong mukha ay binalot ng nakatatakot na awrang lalong nagpakaba sa lalaki.  "Hindi mo na 'ko iiwan, naiintindihan mo? Hindi mo na 'ko pwedeng iwan."





AspasiaWhere stories live. Discover now