Ikaanim na Kabanata: Kawalan ng Pag-asa

1.9K 104 18
                                    


****************************************

Ikaanim na Kabanata: Kawalan ng Pag-asa

****************************************




May tatlong araw nang nawawala si Marco kaya hinanap na sya ng mga kasama.


Paikut-ikot ang mga tao sa paanan at ilang mga tanod sa itaas ng bundok upang hanapin ang nawawalang si Marco. Pinababa na ang bundok ang ilan sa mga umakyat dahil baka pati sila ay mawala rin.


Takang-taka ang ilan kung saan napunta si Marco gayong iisang daan lang naman ang tinahak nila paakyat ng bundok.


Isang lalaking nagngangalang Francis ang humiwalay sa mga naghahanap kay Marco. Isa sya sa mga tanod na inatasang hanapin ang lalaking tatlong araw nang nawawala sa bundok.


May alam syang lugar na pilit iniiwasan ng mga taumbayan sa ibaba ng lugar kung saan nawala si Marco. Kahit sya ay umiiwas din sa lugar na iyon.


At ang dahilan?



Walang nakaaalam ng eksaktong sagot.


Pinaiiwas sila, yun lang ang alam nilang dahilan. Pasalin-salin lang kautusang iyan sa loob ng ilang dekada.


Dekada... Ganun katagal.


Nakatayo si Francis sa dulo ng bangin na iyon. Tinatanaw ang isang lumang bahay na nakatago sa masukal na bundok.


Pinagbabawalan silang puntahan ang bahay na iyon. Ngunit nais nyang magbaka-sakali.


Dahan-dahan syang bumaba. Ibinaon nya ang dalang itak sa lupa upang hindi sya tuluyang dumausdos pababa.


Unti-unting tumataas ang mga balahibo nya sa katawan. Nakaramdam sya ng kakaibang kilabot habang papalapit sa bahay na iyon. Bumibigat ang kanyang paghinga. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso.


Ito ang unang beses na maglalakas-loob syang puntahan ang ipinagbabawal na lugar.


Unang beses na susuway sya sa dekada nang kautusan.


Nakaabot na sya sa ibaba ng bangin.


"Tao po! May tao ba dito?"  malakas nyang tanong sa paligid, baka sakaling may makarinig sa kanya.


Nilingon nya ang lumang bahay. Hindi nya maipaliwanag ang kabang nararamdaman.


Hindi sya takot sa multo dahil alam nyang mas nakakatakot pa sa multo ang kung sino man ang nakatira roon.


"Tao po!"  inikot nya ang buong lugar.



AspasiaWhere stories live. Discover now