Chapter 8

8.7K 368 104
                                    

Nakatanaw si Chanyeol sa labas mula sa loob ng resto. Napatingin sya sa orasan at napairap nang makitang sampung minuto na palang late ang hinihintay nya.

Nagulat sya ng may humalik sa pisngi nya at nakita nya si Taeyeon. Umupo ito sa harap nya.

"Is this a date?" Nakangiting tanong ni Taeyeon.

"Taeyeon,"

"Hmm?"

"Gusto ko lang linawin ang lahat sa atin."

"B-Bakit? Gusto mo na bang... maging boyfriend ko?"

Ngunit umiling si Chanyeol habang nakacrossed arms na nakasandal sa upuan.

"Then what?!" Tanong ni Taeyeon na medyo kinakabahan sa isasagot ni Chanyeol.

"Tutal, matatapos na din yung teleserye natin, gusto ko sanang wag na muna tayo magpansinan. Para na din mawala sa isip ng mga tao yung dating issue natin."

"What?! Anong problema Chanyeol?! Ayos naman tayo ah!"

"Ikakasal na ako."

Sandaling natahimik si Taeyeon sa narinig. Hindi nya alam kung ano bang pumasok sa isip ni Chanyeol at bakit nya ito ginagawa. Parang kahapon lang, ang saya nila. Nag date sila at naglambingan pa na para silang magkasintahang dalawa. Tapos malalaman na lang nyang ikakasal sa iba si Chanyeol?

"K-Kanino?" Tanong ni Taeyeon.

"Kay Baekhyun."

"B-Baekhyun? Yung.. yung--"

Tumango si Chanyeol. Nakita nya ang mukha ni Taeyeon na para bang nasasaktan pero pinili nitong ngumiti ng mapait.

"Ano pa bang magagawa ko?" Ang tanong ni Taeyeon sa sarili nya habang nakatingin sa lamesa. "Eh si Baekhyun na yan eh."

"I'm sorry Taeyeon.."

"Okay lang Chanyeol.."

Napabuntung hininga na lamang si Chanyeol. Hindi rin naman madali 'to para sa kanya. Kahit na ganyan ang ugali nya, hindi nya gustong nakakasakit ng damdamin ng mga tao. Lalo na't napakabait ni Taeyeon sa kanya.

"Gusto ko makita si Baekhyun. Pwede ba?" Tanong ni Taeyeon. Nagdalawang isip si Chanyeol ngunit sa huli ay pumayag din ito.

"Sige. Sa Sunday."

-

"Kyungie! Sorry hindi na ako nakakauwi ha! Ikaw kasi eh, sana hindi mo ko pinagtulakan dito." Sabi ni Baekhyun habang kausap nya si Kyungsoo sa phone.

[Sus, kunwari ka pa! Gustong-gusto mo din naman yan! Ano? Yummy ba si Chanyeol tuwing umaga? Anong itsura ni Chanyeol pag gumigising sya?]

"Che! Manahimik ka nga dyan! Lagi ngang wala yun dito eh! Laging may shooting!"

[Ha? Eh sino palang kasama mo dyan?]

"Si Sehun--"

[ANO?! AT SINO YANG SEHUN NA YAN HA?! SABIHIN MO, NANGLALALAKI KA BA HA?! BAKA MAY GINAGAWA NA KAYONG MASAMA DYAN HABANG WALA SI CHANYEOL!]

Napatawa si Sehun na nasa tabi ni Baekhyun ng marinig ang sinabi ng kaibigan nito.

"Pinsan ni Chanyeol si Sehun. Medyo nagiging close ko na sya kasi lagi syang nandito sa bahay eh. Tsaka manahimik ka nga! Baka nga kayo ni Jongin ang may ginagawang kababalaghan habang wala ako eh!"

Your Daddy is a Superstar (ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon