Chapter 22

6.2K 259 47
                                    

"Doc, kamusta na po si Baekhyun?! Yung baby nya?! Ayos lang ba?!" pagkalabas pa lamang ng doktor ay agad na tumayo si Luhan at lumapit dito. Sa kanilang tatlo ay siya ang pinakanag-alala, sinisisi nya ang sarili nya kung bakit nangyari ito.

"Wala namang nangyaring masama. Masyado lang siguro syang nastress. Ano bang mga ginawa nya nitong few days ago?" tanong ng doktor.

"Uhm, kasi po yung b-boyfriend nya po, pumunta ng Japan. Tapos sa tuwing gumagawa ako ng mga gawaing bahay gusto nya lagi syang tumutulong para hindi nya masyadong mamiss si Chan-- I mean, yung boyfriend nya. Hindi ko naman po inaasahang makakasama yun, doc.. Sorry po.." paumanhin ni Luhan. Tumango ang doktor sa kanya atsaka inayos ang stethoscope na nakasabit sa leeg nito.

"Wala namang masama dun, hijo. Ang maipapayo ko lang, magkaroon sya ng sapat na pahinga dahil baka nasobrahan sya kaya sya nahilo. Atsaka dapat matulog sya ng maaga, kumain ng maayos sa tamang oras, at hindi na kailangan pang magalala tungkol sa baby. Healthy ang baby nya kaya lang, may mga sugat sya sa talampakan dahil may nakita akong ilan-ilang bubog." paliwanang ng doktor.

"Ah ganun po ba? Sige, salamat po..."

Matapos nun ay pinayagan silang makapasok ng kwarto ng ospital kung saan nagpapahinga si Baekhyun. Naabutan nila itong natutulog pa kaya umupo muna sila sa isang tabi.

"Tatawagan ko si Chanyeol tungkol dito." sabi ni Sehun habang nagdidial ng number sa phone nya para tawagan si Chanyeol pero pinigilan sya ni Luhan.

"Wag na, Se. Maayos naman ang lagay daw ni Baekhyun. Baka mag-alala lang si Chanyeol." sabi nito.

"Ano?! Hahayaan mong hindi ito malaman ni Chanyeol ha?! Ano ba naman yan Luhan! Isipin mo naman ang kalagayan ni Baekhyun!" parang inis na reklamo ni Sehun kaya naman nainis din si Luhan sa kanya.

"Pwede ba Sehun?! Isipin mo din naman ang kalagayan ni Chanyeol sa Japan! Alam mo namang busy sya ngayon 'di ba?!" saad ni Luhan at napairap na lamang. "Hindi ko alam kung bakit napaka OA mo! Pwede namang sabihin kay Chanyeol pagkauwi nya na lang tutal okay naman narin pala si Baekhyun 'di ba?! Nakakainis ka alam mo yun."

"Ha ako pa ang nakakainis?! Sino bang may kasalanan nito?"

"So sinisisi mo ba ako?!" anytime ay gustong sampalin ni Luhan si Sehun. Hindi nya alam kung bakit mula ng dumating sila sa ospital ay ang init na ng ulo nito sa kanya.

"Tama na yan, guys. Wala namang may gusto sa nangyari. Ayos naman daw ang kalagayan nya." singit ni Xiumin bago pa tuluyang mag-away ang dalawa.

"Ano bang alam mo ha?! Wag ka ngang nangingialam dito!" sigaw ni Sehun sa kanya kaya agad na nagreact si Luhan.

"Wag mo ngang sinisigawan si Xiumin! Atleast nga may concern pa yung tao eh!"

"Edi magsama kayo ng Xiumin mo!"

Habang nagbabangayan ang dalawa ay unti unti namang napapadilat ang mata ni Baekhyun at nagigising sya dahil sa ingay. Agad itong napansin ni Xiumin.

"Gising na ata sya.." ani ni Xiumin. Natigil sina Sehun at Luhan at agad lumapit silang tatlo sa kamang hinihigaan ni Baekhyun.

"A-Ang ingay naman.." sabi ni Baekhyun. Napatingin sya kay Xiumin at nagtaka kung sino ito. "Sino ka?"

Napangiti naman si Xiumin. "Ako si Xiumin, friend ni Luhan."

"Baek, ayos na ba ang pakiramdam mo?" nagaalalang tanong naman ni Sehun.

"Ayos na. Pero.. y-yung baby ko?" biglang kinabahan si Baekhyun at agad na napahawak sa tiyan nya. Para naman syang nabunutan ng tinik sa lalamunan nang maramdaman nyang nasa loob pa naman ng tiyan nya ang kanyang baby.

Your Daddy is a Superstar (ChanBaek)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon