CHAPTER TWO

9 2 0
                                    

First week of face to face, medyo nakaa-adjust naman na ako ngunit hindi pa rin sanay sa tao kaya hindi na ako nakahanap ng kaibigan. I am always alone when I ate at the cafeteria and when the class wasn’t starting yet. Buti na lang at kapag may groupings, may nag-aaya sa aking sumali sa kanila dahil hindi sa pagmamayabang, medyo nagsisipag nga ako ngayon sa pag-aaral at medyo may laman ang utak ko. Sadyang tahimik lang ako sa klase kapag walang guro katulad ngayon.

Dahil dalawang oras na bakante ako ay minabuti kong tumambay na lang sa gilid ng field. Umupo ako sa bench na na nasisilungan ng puno at tinanaw ang mga estudyanteng naglalakad. Alas singko na ng hapon kaya hindi na mainit at alas syete pa naman ang klase ko. Nang mabagot ay kinuha ko ang dinala kong nobela sa bag saka nagbasa. Hindi pa naman madilim ang paligid kaya nakikita ko pa ang mga letra.

Malumanay ang paghampas ng hangin at malamig ngunit nalilipad pa rin niyon nang kaunti ang buhok ko. May kakaunting dahon din ang nahuhulog mula sa punong-kahoy at ang isa’y nahulog pa sa binabasa kong libro. Kinuha ko iyon at tinitigan nang makarinig ako ng halakhakan sa aking harapan. Mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko ang grupo ng mga lalaking nagsisimula nang maglaro ng soccer. Mukhang masaya sila dahil ang ingay nila kung maglaro.

My gaze darted on the guy wearing a gray shirt, black sweatpants, and a black rubber shoes. He was beaming as he kicked the ball to the goal and his beam went wide when the ball went inside. Nakipag-apir pa siya sa kagrupo niya at muling tumakbo.

I could not help but stare at him. He was that guy who was the center of attention on our first day of school. He’s that guy riding on a motorbike and walked like he’s on the runway, like he owned the world. He’s really handsome and talagang mapapatingin ka kung dadaan siya. He’s been the talk of our university that’s why even I who didn’t even have a friend, knew his name. I always heard it whenever my classmates where talking about him.

Blaze Vanguardia, what a unique name.

Napaayos ako sa pagkakaupo nang mapansing tumingin siya sa banda ko. Our eyes met and he stopped from running. He raised his brow like he was wondering and then he smiled. My mouth fell half open as my heart accelerated.

Did he just smile at me‽

Baka nag-assume lang ako. May mga babae pa namang dumaan sa gilid ko.

Nag-iwas ako ng tingin at tinuon na ang pansin sa binabasang libro. Tinapon ko na rin ang hawak kong dahon saka napabuntong-hininga.

Nang tingnan ko ang wristwatch ko’y tumayo na ako at tinungo ang cafeteria. Alas sais na ng gabi kaya kailangan ko nang kumain dahil alas syete pa ang klase ko.

I am silently eating as I was listening to music on my earphones—muting the world. Wala akong ganang kumain pero pinilit ko pa rin ang sarili dahil makikipagbakbakan ako mamaya sa major subject ko. Kailangan ko ng energy at makukuha ko iyon sa pagkain.

Malapit na akong matapos no’n nang mapansing may umupo sa aking harapan. Naiangat ko ang aking ulo at nasalubong ang nakangiting mukha ng kaklase ko.

“Mind if I join?” tanong niya pa.

Hindi naman gaanong malakas ang earphones ko kaya narinig ko iyon. Wala naman na akong magagawa dahil nakaupo na siya. Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Nagsimula siyang dumaldal at hinayaan ko na lang siya. Nang mapansing mukhang hindi ako interesado sa pinagsasabi niya ay tumahimik siya at tinuon ang pansin sa kinakain.

Nang matapos ako ay agad na akong tumayo at binaling ang tingin sa kaniya. “Mauna na ako.”

Ngumiti lang siya at hinayaan na ako.

40 minutes pa bago ang klase kaya bumalik ako sa pagtambay sa field. Wala nang nanglalaro doon kahit maliwanag naman ang paligid dahil sa mga lamppost na nakatayo. Siguro ay umuwi na ang mga ’yon o may klase na.

MODERN DAY VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon