Chapter 29

409 14 3
                                    




Halos hindi na ako makatingin kay Manu nang sumunod sina Marica sa parking lot, medyo tipsy na rin kasi siya at niyaya na si Echo na sundan kami dito. Both of the boys are puffing their vape, si Echo nakatingin sa mga sasakyan na dumadaan habang si Manu naman ay ganoon din pero pasulyap-sulyap sa akin habang nakikinig sa sinasabi ng katabi.


Hindi tuloy ako makapag-focus sa sinasabi ni Marica lalo na kapag nahuhuli niyang napapatingin ako sa gawi nina Manu na ngumingisi at iiling bigla.


"Pulang-pula ka dyan? May nakakakilig ba sa kwento ko?" tanong ni Marica na agad ko namang inilingan at nahiya dahil mukhang narinig iyon nina Echo dahil papalapit na sila sa amin.


"Let's go inside?" aya ni Echo at mukhang aakbayin si Marica papasok ng club pero inunahan ko na sa paghila sakanya sa loob.

I'll do everything to not be with Manu, pakiramdam ko hindi ko kakayanin kung magsasama kaming dalawa lang.


"Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko kay Marica nang nauna kaming maupo sa couch, sinundan ko ng tingin si Manu na mukhang tatabi sa akin. Medyo umusog ako papalapit kay Marica dahil mukhang may sasabihin siyang gusto niyang kaming dalawa lang ang nakakaalam.


"Nagpapalpitate ka pa ba?" may halong concern sa mukha niya nang tinanong niya iyon pero kalaunan ay napalitan ng ngisi na para bang may naalala. "or do you want to continue your kiss earlier?"


Sa gulat ko, humigpit ang hawak ko sa braso niya at nilakihan siya ng mata. Hindi ko alam na nakita nila 'yun, normally she would tease me the moment she saw us pero ngayon ay binulong niya ito at pinatahimik ako.


"Don't worry, I won't tell our friends. Umuwi na kayo kung gusto niyo, we're staying here." sabi niya at akmang tatalikuran ako para kausapin si Owen na galing dancefloor pero hinarap niya ulit ako. "Oh and use condom, ayoko pa maging Ninang." bulong lang iyon pero pakiramdam ko rinig ng buong table.


Gulat na gulat ang ekpresyon ko pero parang wala lang iyon kay Marica, she completely ignored my presence habang si Owen naman ay nagtataka kung ano ang binulong ni Marica at bakit ganoon ang expression ko.


"You okay na, Clei? Nagpalpitate ka raw?" tanong ni Erika na binisita kami sa table namin, nasa likod niya ang mga bagong kilalang mga kaibigan.


"Ah yes but I'm good now." inofferan ko sila ng alak na nasa table namin.


I saw Manu raised his hand to probably order more liquor since hindi kakasya 'to sa mga bagong dating.


"Actually, she wants to go home." may double meaning na sabi ni Marica, I squeezed her hand and whispered her to shut up. Tumawa lang siya at pinaupo sina Jayree sa tapat namin.


Sumandal ako at kinalabit si Manu sa tabi ko. "Just order enough liquor and please, just the cheaper one. I'm budgeting my allowance." bulong ko dahil kilala ko siya. He would order the expensive and bigger hard liquor, maka gastos siya akala mo CEO na eh.


"Don't worry, this won't hurt my account." he said as he plays his glass. "And I won't let you spend tonight, you can keep your allowance." ngumuso ako at nakipagtalo pa sakanya.


"Fine, just give me one thousand at ako na ang bahala sa share natin mamaya." binigay nya ang wallet sa akin at binaling na ang atensyon sa iba.


I opened his wallet and saw how thick the blue and yellow bills are, medyo nahiya ang libo na idadagdag ko.


"Sarap mong nakawan, hindi ka ba natatakot?" bulong ko nang umalis na si Thane para puntahan ang mga kaibigan namin.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Worth Fighting ForTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon