Chapter 18

757 39 12
                                    

Chapter 18


"Owen! Cleo! You guys are here pala." Pinalupot ni Vico ang braso niya sa leeg namin ni Owen. Napamura si Owen nang muntik na siyang masubsob sa high table pero mabuti na lang at nasalo ko agad siya


Halata sa mukha ni Owen ang pagkagulat nang makita si Conor na papalapit sa amin, agad akong sinenyasan ni Owen na lapitan siya.


"Cleo..." pagtatawag sa akin ni Owen, humihingi ng tulong


Sa sobrang kalasingan niya hindi na niya mabalance ang sarili kaya hinanap at hinawakan ko sa braso si Manu, mabuti naman at nakuha niya agad ang gusto kong iparating. Siya na mismo ang tumulong kay Owen na tumayo habang ako naman ay lumapit kay Vico at Conor para magpaalam.



"Balik lang kami sa table namin. We'll just sober him."


Tumango si Vico at bumalik na sa table nila, tatalikuran ko na sana sila para sundan sina Manu pabalik sa table nang may humawak sa braso ko.


"Hey..."


"Oh Conor?"


Medyo expect ko na gagawin 'to ni Conor, kanina pa kasi siya nakatingin sa amin ni Manu.


"That was nothing." kumunot ang noo ko


"Anong nothing?"


"The kiss." napasinghap ako at mabilis na tumango. I don't get the point why he's explaining this to me.


"Ah! Sus... it's normal to flirt especially in this club." pinagsadahan ko pa ng tingin ang paligid namin "And you're single naman, you can do everything you want."


"I know but I have the intention to court you so..." binaba niya ang kamay niya sa kamay ko


Medyo hindi ako agad nakarecover sa sinabi niya kaya nagkatinginan pa kami bago ako nakabawi.


"H-hindi ko alam. I see you as my friend..."


"I know kaya nga dinadahan-dahan ko. Na-carried away lang ako kanina kaya ko nagawa 'yun."


Hindi ko alam ang sasabihin ko. Mabuti na lang at wala dito si Owen at hindi niya narinig ang usapan namin. I'm pretty sure this will hurt him.


"This is not the right time to confess but I like you Cleo. If it isn't obvious already."


"Cleo..." Manu interrupted, agad akong lumingon sakanya at lalapitan na sana siya kaso napigilan lang nang hinawakan ulit ako ni Conor.


Nasa likod ko siya at kung hindi man niya narinig iyon ay kahit papaano ay may clue siya kung anong pinag-uusapan namin dalawa.


Umigting ang panga niya nang nakita niya ang kamay ni Conor sa akin, mabilis ko iyon tinanggal at lumapit sakanya. Medyo natatakot sa pwede niyang gawin.


"Si Owen?" I tried to distract him but it's no use. He's still glaring at Conor like a wild wolf eyeing on his prey.


I saw Owen sitting on the sofa while Marica is helping him drink water. Binalikan siguro ako kasi nakitang hindi ako sumunod sakanila.



Nakaigting ang panga niya habang tinitignan nang mariin si Conor, tila naghahamon ng away kaya hinila ko na siya pero hindi man lang siya natinag.


"Let's go, medyo nahihilo na ako." pagdadahilan ko kahit na hindi naman talaga. Alam ko kasing hindi magpapatalo si Manu lalo na't sinusuklian din ni Conor ang mga titig ni Manu sakanya.


Worth Fighting ForTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon