Chapter 1

957 32 0
                                    


Chapter 1





Manuel Rivero





"Manu naman! Dahan-dahan lang!" sabi ko at kinapa ang seatbelt ko para siguraduhing secured ako sa bilis niyang magmaneho.





"Normal speed lang 'to." humalakhak siya at tumigil nang nag-stop light. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba ko.





"Normal para sa mukhang race car mong sasakyan, pang fuckboy ah." sabi ko at tumawa.  Pinagmasdan  ko muli ang interior ng Subaru niya, it looks neat for a guy like him at hindi rin nakatakas sa akin ang bango pagkapasok ko. Pansin ko rin ang customized at lowered sa labas, hindi ako maalam sa mga modelo pero alam kong pinaggastusan 'to.





"Don't be too harsh on my car, guys would kill for this." nilingon niya ako at ngumisi. Umirap ako at nag make face. Tumawa siya at may pinindot sa screen sa gitna namin.





"Connect your phone, I want to know your taste of music now o k-pop padin hanggang ngayon?"





"Ang sama mo sa mga koreano! Hindi mo lang matanggap na mas gwapo sila kesa sayo." sabi ko, medyo frustrated na sa topic namin. Seriously, ang lakas niyang mang-asar kahit kailan!





"Kailan ka pa pala nakauwi?"





"Kahapon."





"Bakit? How about your study?" nilingon ko siya pagkatapos mamili ng kanta. Unless?





Ngumiti siya at tumango na para bang nabasa ang nasa isip ko.





Nanlaki ang mata ko dahil alam kong dito siya mag-aaral! After six years ay dito na ulit siya mag-aaral!





He spent all of his high school life abroad, to fix his dual citizenship and be with his Dad. Naiwan si Tita Leah dito kasama si Lyana, I think it's more complicated than that at ayaw na namin makisama ni Mama.





The main reason why I spent most weekends at their house during my childhood and pre-teen years was to comfort and entertain Tita Leah and Lyana na naiwan. Parang inampon nila ako pansamantala tuwing weekends dahil sa ganoong araw bumibisita ang pamilya ni Tito Lester.





"Please tell me SCSU!" sigaw ko dahil hindi ko matatanggap kung magkaibang school kami. I've never been this excited this whole year, na para bang ako pa ang mas excited sa pagbabalik niya kesa sakanya.





"Uh-huh." magtatanong na sana ako kung anong schedule niya at course, I'm pretty sure it's business related, nang bigla siyang humarap nang nadatnat ulit ng traffic light.





"I'm not yet enrolled." tumawa siya at agad ko rin siyang sinermunan pero nang maalalang kakauwi niya lang kahapon ay agad ko ring naintindihan.





"I will help you then. Siguro naman kumpleto ka ng papeles." nagpatuloy ang usapan namin tungkol sa enrollment. He also have plan to join the basketball team at wala akong duda na hindi siya makakapasok. Sa tangkad palang niya ay may potential na, he also didn't train and compete when we were younger for nothing.





"Saan pala si Tita Leah?" tanong ko nang pumasok na kami sa subdivision namin





"Nauna na siya sainyo, kanina pang umaga actually. Catch up sila ni Tita Jean." tumango ako at naisip na siya na siguro yung sinasabi nilang "surprise". Talagang na-surpresa nga ako pero parang gusto ko siyang asarin.





Worth Fighting ForTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon