CHAPTER ONE: Project Offered

3 0 0
                                    


"What's the most exciting part in history? Anyone?" this is our professor in History. Sir Felipe Enriques, Sir Fil for short. Unang hakbang palang niya sa aming silid ay may tanong na agad. 


Nagtaas ng kamay si Tristan Ihilang at nag-abang naman ng sagot si Sir Fil.


"Yes, Tristan? What's your answer?" tanong ni Sir at itinuro pa si Tristan habang ipinapatong ang kanyang mga gamit sa desk.

"Sir, ihi lang po," napatigil si Tristan nang magtawanan ang aming mga kaklase. "...sana." Tinignan siya nang mariin ni Sir Fil nang ilang segundo at saka sinenyasan si Tristan na pumunta na sa CR.


Napailing siya at saka nagsalita.


"Naku! 'yang si Tristan. No wonder na 'Ihilang' ang surname niya." pagalit na sabi ni Sir Fil. Mamamatay na yata sa pagpipigil ng tawa ang aking mga kaklase!


-


Patapos na ang klase nang tawagin ako ng aming professor.


"Nasaan si Theo? Theo?" paghahanap sa akin ni Sir Fil. Nasa likod niya lang naman ako.

Kinalabit ko siya bago magsalita. "Sir, andito ho ako. Nasa likod niyo."

"Ah, sorry. Anyways, my project akong ipagagawa sa 'yo. Research about history. Pero in this project, ayaw ko ng galing sa Internet. Gusto ko, pupunta ka mismo sa mga historical place at doon ay mang-iinterview ka," paliwanag ni Sir Fil na kinabuka ng bibig ko.

"E, sir, ano naman po ang—" hindi niya ako pinatapos at saka nagsalita.

"Ano ang benefits na makukuha mo?" tanong niya sa akin at tumungo naman ako. "The school will provide all your needs. Shelter, foods, allowance, clothes, lahat."


Parang... ang tempting naman.


Dumating kasi ako sa mundo na nameless, parentless, familyless, friendless, at kung anu-ano pang less sa mundo... joke! Swerte ko lang kasi inalagaan ako ni Lola Amor. Pero binawian din siya ng buhay noong 8 years old ako. Kaya napunta ako sa bahay ampunan.


Ngayon, nakatira ako sa apartment. Nagtratrabaho ako sa isang fastfood chain bilang isang waiter. Kaya minsan, papasok akong pagod, uuwi akong lalong pagod. Wala akong pahinga.


Kaya itong project na 'to, 'di ko na tatanggihan!


"So... ano? Dea—" hindi ko na siya pinatapos at sumagot agad.

"Yes, sir! Deal na deal! Kailan po ang deadline?" sagot ko nang nakangiti kaya't napangiti rin si Sir Fil.

"Sa February 2023. Kaya may five months ka pa para sa project na 'yan. Huwag mong babastahin 'yan, ha? I-prepresent 'yan ng school sa tinatayong museum. Good luck, Theo!" saad ni Sir Fil at tinapik ang aking balikat.

Jamais LàМесто, где живут истории. Откройте их для себя