CHAPTER TWO: The Painting

3 0 0
                                    

7:00 PM na at patungo ako ngayon sa pinagtratrabahuhan kong fastfood. Magreresign na ako at may naipon na rin naman ako.


"Huy, Mat!" pag tawag pa lang ay alam ko na kung sino ito. Lumingon ako upang silipin kung sino at tama nga ako, si Ino nga. Si Domino Rodriguez ang nag-iisa kong kaibigan. Kasama ko siya sa bahay ampuhan at sabay rin kaming nagtratrabaho. Nasa iisang school kami ngunit paminsan-minsan lang namin makita ang isa't-isa. Marami kasi siyang kaibigan sa aming eskwelahan habang ako'y madalas na nag-iisa at tuwing break time lang nalabas. 


"Theo, hindi Mat," saad ko ngunit sinalubong niya lang ako ng fist bump.

"Matheo, hindi porque ayaw mo sa math ay i-didisown mo na ang pangalan mo. Saka gusto ko unique ang itatawag ko sa 'yo!" paliwanag niya at ngumiti. Napakamot na lang ako ng ulo at nilagay sa bag ko ang envelope na naglalaman ng resignation letter ko. 

"Ano iyan?" tanong ni Ino habang pinapanood akong ilagay ang envelope sa bag ko.

"Ah, resignation letter. Magreresign na ko dahil may inoffer sa akin si Sir Fil. Sagot na ng school lahat ng kailangan ko, kaso sa February 2023 pa iyon," paliwanag ko.

"May ipon ka ba? Baka kapusin ka, Mat. Pero sabagay, handa naman ako tumulong." aniya at tinapik ang aking balikat. 


Maswerte talaga ako sa aking kaibigan. 


"Salamat. Oh, sya, sige. Puntahan ko na si Boss, good luck, Ino!" wika ko at nginitian siya nang makarating na kami. Kumaway naman siya at pumunta na sa dressing room.


---


Pauwi na ako at inaprubahan ng aking boss ang aking pagreresign. Marami akong aasikasuhin simula bukas dahil sa proyektong inoffer sa akin. Ayaw kong pumalpak dahil binitawan ko na ang aking nag-iisang trabaho para rito. Gagawin ko ang lahat upang maging 'the best' ang proyektong ito.


"Oh, Aling Bebang! Bakit bukas pa ang iyong parlor? Mag-aalas otso na ah?" Tanong ko nang makitang bukas pa sina Aling Bebang. Alas sais pa lang kasi ay sarado na siya kaya't nagtaka ako bakit bukas pa sila.

"Ay, naku! Theo, nagparebond kasi ang Mayora rito! Nabalitaan niya raw na maganda ang pagpaparebond dito. Kaaalis niya nga lang, e," magiliw na paliwanag ni Aling Bebang. "Ang bango niya!" dagdag pa niya.


Napangiwi ako at pumasok na sa aking inuupahan.


Si Mayora, imbis na umattend ng meeting, nagparebond pa rito. Hay, bakit ba nila binoto 'to?


----

*ring ring*


Katatapos ko lang maghalf bath nang mag ring ang aking phone. Sinagot ko ito ngunit wala namang sumasagot.


"Hello? Sino ho ito? Hello?" wala namang nasagot, nangtritrip yata ito, e. "Kuya Will, ikaw na po ba 'yan? Ay, teka. Tapos na wowowin, e!" wika ko at saka binaba ang tawag.


Dumiretso na lang ako sa kama at sinubukang matulog.


Binuksan ko ang aking mga mata at nakita ko ang nakaguhit na mga bulaklak. Itim ang paligid at ang painting lamang ang nakikita ko.

 Itim ang paligid at ang painting lamang ang nakikita ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang mga bulaklak na ito ay pamilyar. Ngunit ito'y unti-unting nalulusaw habang aking mariin na tinitignan. Para akong sinasakal at parang may gustong sabihin ang mga bulaklak na ito. Hanggang sa tuluyan nang nalusaw ang painting at umitim lalo ang paligid.  


Nagising ako sa aking alarm ngunit napansin kong basa ang aking mukha. Napatingin ako sa salamin.


"Letse, akala ko naman ay umiyak lang ako. Bakit may bahid ng laway sa mukha ko!? E, ang sama ng panaginip ko. Imposibleng nakatulog ako nang mahimbing," wika ko at inayos ang kama. "Hala! Baka may dumila sa akin habang natutulog ako! Naku! Wala naman akong pusa rito ah!" Napatakip ako ng bibig. 


Hay, bangag pa ko. Pero, ano kayang ibig sabihin ng panaginip kong iyon?



— to be continued...

[photo credit to the owner]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 05, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Jamais LàWhere stories live. Discover now