Chapter 1

192K 4.6K 4.5K
                                    

"Bakit dumudugo na iyang labi mo?" Iyon ang unang napansin ni Caela nang dumating ako sa room namin after trying my luck at the bastard next door.

"Kinagat ako ng putakte." Of all the excuses to say, I said that. Masama ang loob kong ibinaba ang bag sa upuan ko sa tabi ni Caela.

"Kung putakte ang kumagat diyan, hindi 'yan dudugo, mamamaga lang." I was seated when she held my cheek and forced me to look at her.
"Patingin . . . Yolks! Punasan mo nga."

I took the tissue she was giving me and wiped the blood on my lips. It is not as if I'll get leukemia from the blood I am losing.

Hayop na Suarez 'yon. Hindi raw ako magaling humalik pero kinagat niya 'ko. It was his reason of rejecting my offer, he wasn't satisfied.

Ang taas ng mga grades ko pero ang tanga ko. I must be crazy for kissing him in seek of having him as a research partner.

Hindi ako makapaniwalang sinakripisyo ko ang first kiss ko para sa wala. Though I am not sentimental and the kiss was nothing to me, nilunok ko pa rin ang pride ko para alukin siya na maging partner ko.

Hindi raw ako magaling humalik. Maybe because his lips tasted like a bastard—lasang sodium chloride.

"Umamin ka, nakipagsuntukan ka kay Suarez, no?"

Ibinaba ko ang kamay ni Caela na nakahawak sa pisngi ko. "Sa laki ng lalaking 'yon, sakit ng katawan ang makukuha ko kapag sinuntok ko. Baka ipademanda pa ako ng pamilya niya."

"Iyong totoo?"

"Hindi ko nga sinuntok." Pero hinalikan ko. Nabati ata ako kahapon ng mga maligno.

"Masakit ba?" Dinungaw niya ako at inusisa ang labi. "Gusto kong isipin na nakipag-momol ka, pero naalala kong Ammy ang pangalan mo kaya malabo."

Right. I should've not done that. How desperate was I to the point that I stoop down that low?

Simula kasi nang dumating si Suarez, hindi na umayon sa akin ang ranking. Kahit pa sabihin na huling taon ang pinaka-importante sa SHS, hindi ako mapanatag.

Iba ang kalakaran ng school. Kasama sa computation ng final grade both grade 11 and 12 grades. And maybe, desperate is the right term to describe me. Kailangan na kailangan ko ang academic scholarship para makatuloy sa kolehiyo.

"Pres, ang galing mo talaga! Pasopas ka na," kantiyaw ng kararating na si Santiago.

"Congrats, Ammy na hindi raw nagreview pero dalawa lang mali."

"Panira naman si Rad, e. Bawian mo nga sa finals, Ammy."

Undoubtedly, results ng midterm exams ang topic ng lahat sa umagang 'yon. Everyone was congratulating me for being the second top scorer but I couldn't find any void in my heart to fill with satisfaction. Masama ang loob ko.

"Uy, ano ka ba?"

"Tao," sagot ko sa katabi.

"Si Pilospotasya na naman ang kausap ko. Huwag mo na isipin ang exams. Makakabawi ka sa finals. Nakahanap na 'ko ng good quality na karayom para kay Rad."

"Dapat pangit din ang manika dahil pangit siya."

"Kuhanan mo muna ng buhok. Sa singit sana para mas effective."

Ni ayoko na ngang makita pa ang lalaking 'yon, kuhanan pa kaya ng buhok sa singit?

I am really pissed but there's nothing I can do about the things that are already done. Kailangan ko lang ng recitation para mawala ang pagkainis ko.

A Game with Kismet | Suarez IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon