"Hindi muna ako papasok."
Sinagot ko ang tawag ni Magalong at iyon ang ibinungad sa kaniya. Alas-onse na akong nagising, parang minamartilyo ang ulo ko sa sakit. Mainit din ang pakiramdam ko kaya hindi ko magawang lisanin ang kama.
"Hinahanap ka sa akin kanina ni Ma'am, gaga ka. Hindi ka man lang nagpadala ng excuse letter o nagsabi kagabi."
"I didn't see this coming. Masakit ang ulo ko kagabi pero hindi ganito kalala. Ininom ko ng gamot at itinulog, paggising ko, tanghalian na."
"Hmm, sabi sa 'yo, kailangan mo ng Vitamin Lambing para hindi ka magkaroon ng Landi deficiency. Isa na 'yan sa mga sintomas, sis. Hindi ka ba talaga pumunta sa blind date?"
That's what I told her to avoid her interview questions.
Nang bumuntong-hininga ako ay naramdaman ko ang init ng hangin na pinakawalan. "Kung pumunta ako, baka mas malala pa ako ngayon. Pakisabi kay Ma'am, hindi ako makakapasok ngayon. Babawi na lang ako bukas."
"Sige na. Magpahinga ka. Bye."
Ibinaba ko ang cellphone sa side table at minasahe ang mga sentido. I took the remote and turned on the TV. I had to leave the bed to drink my meds. Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling nagkasakit.
"Higit sa dalawang-daang tao ang nagtipon-tipon sa labas ng Dolce Casa kaninang umaga. Para bigyan ng mukha ang balita, kumustahin natin si Josephine Trinidad. Josephine . . ."
Bumagal ang pag-inom ko ng tubig. Kalaunan, naibaba ko na ang baso sa pakikinig sa balita. May nagpoprotesta sa harapan ng gusali ng Dolce Casa, a furniture company, isa ito sa pinakamalaking kompanya ng mga Suarez.
Usap-usapan noong nakaraang taon ang engagement ni Franco—ang unang apo sa henerasyon nila—sa nag-iisang anak ni Georgina Legazpi na siyang nagpapatakbo sa Madeopolis: kalaban ng Dolce Casa.
Hindi ko maintindihan ang tradisyon ng pamilya nila Rad. Isa kasi iyon sa hindi ko pinakialamanan noon, hindi ko kinilatis o inusisa. Talking about family and the such is hard for some people. Unless Rad opened about it, I could've known.
Speaking of Suarezes, ito ba iyong sinasabi ni Diaz noong nakaraan? Did he really talked to a whistleblower? Wow. He got the nerve.
"Hello?"
"Hindi ka raw pumasok?" si Caela.
"Paano mo nalaman?" Papabalik na ako sa kama para matulog ulit.
"Nagpunta ako rito sa station niyo, wala ka naman pala. May sakit ka raw."
"Tinatamad lang ako pumasok. Palusot ko lang 'yon para hindi na sila magtanong." Mag-aalala siya kapag sinabi kong oo.
"Sinungaling," she hissed. "Papunta na 'ko diyan."
"Caela, huwag na. Parang sinat lang."
Pinatayan ako ng tawag ng babae. Nakauwi na ng Pilipinas ang pangalawang ina ko.
Magluluto dapat ako pero naisip ko na baka bumili ng pagkain sa daan si Caela kaya tinapay na lang muna ang nilaman ko sa sikmura habang naghihintay.
Pinatungan ko ng bimpong binasa ng maligamgam na tubig ang noo ko at nakahigang kumain. Hindi mawala sa isip ko iyong nangyari kagabi at ang krisis sa pamilya nila Rad ngayon. Basically, it could be just the Legazpis. Pero puwede rin na may kasabwat ang mga Legazpi sa loob ng kompanya ng mga Suarez.
To know something that was burried a long time ago—according to the news—is difficult. Unless, may taong bumubulong ng baho nila sa kalaban.
That shouldn't concern me. Ang iniisip ko lang ay si Rad. Apektado kaya siya? He cut ties with his family pero baka close pa rin siya sa mga pinsan. I've seen them bond before, mukhang maganda naman ang relasyon nila.
BINABASA MO ANG
A Game with Kismet | Suarez II
RomanceIt has always been a dream for Ammy to live prosperously. Worse luck, she was not born with a silver spoon. She has to endure the mud on her feet as she chases her ambitions. Notwithstanding, it did not stop her. She has set her goals and will go t...